Chapter 91

3K 48 0
                                    

Iyon ang mga salitang sinabi ko bago ko siya iniwan sa aking bahay. Muli kong hinanap si Tali. Inabot ako ng dilim. Pagod, takot, pag-aalala. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Wala pa rin balita ang mga pulis tungkol sa kaniya.

Dahil sa halo-halong emosyon ay naisipan kong uminom sa isang bar.

"S-Sht..."

I lost count of the shots. Nang tumayo ako ay muntik na akong tumumba kung hindi lang ako nahawakan ng bartender sa braso. I went out of the bar drunk. Nakarating naman ako ng maayos sa aking sasakyan.

"Tali..."

I was whispering her name until I started the engine. Nang nilisan ko ang bar ay naging mabilis ang aking patakbo. Malabo rin ang aking paningin habang nakatingin sa daan. I was crying. I never ever thought that I could cry like this. Hindi ko mapaniwalaan.

Ang sakit-sakit.

"B-Baby... I hope you are okay... please... Come back to m-me..."

Bago ko pa mapalis ang luha sa magkabilang mga mata ko ay napansin ko ang isang sasakyan na bigla na lang dumiretso papunta sa akin.

"Damn!"

Iyon na ang huli kong natatandaan. When I opened my eyes I was inside the hospital room. Nalaman ko na isang concerned citizen ang tumawag ng ambulansya at idinala ako sa ospital. I thought I was going to die that moment. Mamamatay pa akong hindi ko muli nakikita si Tali at iyon ang napakasakit.

I went home using a crutch. Naipit ang aking paa dahil sa aksidente kaya hindi ako makalakad ng maayos. Mayroon ring benda ang aking ulo dahil dumugo iyon. May mga galos rin sa aking katawan.

Nang maihatid ako ng ambulansya sa aking bahay ay sinalubong ako ni manang at tinulungan.

"S-Sir!"

Manang was crying, sinabi ko sa kaniya na ayos lang ako pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Tinanong niya kung may kailangan ako pero sinabi ko na wala. Patingin-tingin siya sa akin. Ako naman ay nakaupo sa living room.

Ang isip ko ay nakay Tali pa rin.

"Hindi ka ba nakatanggap kahit mensahe kay Tali, manang?" tanong ko. Nagbabakasakali na baka kahit siya ay sinabihan nito.

"W-Wala po, sir, n-nag-aalala na nga rin po ako ng sobra sa batang iyon. Wala naman iyong pamilya dito. S-Saka naiwan niya ang mga gamit niya... i-imposibleng naglayas."

Wala rin kaming pinag-awayan. Napabuntong hininga ako.

Hindi ko siya mahahanap sa ganitong kondisyon. Damn it, Rozzean, hindi ka nag-ingat. Paano mo pa hahanapin si Tali kung hindi ka makalakad ng maayos?

Lumipas ang dalawang araw, hindi ako makakain at hindi rin makatulog. Hindi na rin ako pumapasok sa trabaho o kahit online work ay wala akong nagagawa. Ang isip ko ay okupado kung nasaan si Tali. Ang mga reports sa akin ng mga pulis ay palaging negatibo.

Ilang beses na rin akong nanaginip ng masama. Sobra ang aking nararamdamang takot pero hindi ako titigil sa paghahanap sa kaniya. Hindi ako hihinto.

"Sir Rozzean... kahit po kaunti ay kumain na po kayo."

"I am not hungry, manang."

Lumabas si manang ng aking silid. Dito ako nanatili sa baba sa may guest room dahil hindi ako makakaakyat sa aking mismong silid. Muli akong humarap sa aking laptop at pinanood ng ilang beses ang CCTV footage ng aking bahay kung kailan huling nakita si Tali.

I was watching these multiple times. Sinusuri ang kaniyang itsura. She looks bothered. Napapatulala rin. What happened?

"P-Please be safe... hahanapin kita... mahahanap kita."

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now