Chapter 40

4K 63 2
                                    



Rozzean Cyron Valleje

"Asarin mo na ang bagong gising huwag lang ang taong nabitin."

When I heard what my brother said I glared at him. Ibig sabihin ay napansin niya ang kung ano ang mayroon sa amin ni Tali. Wala talagang nakakalampas sa mga mata niya. Unang araw sa bahay ko ay nalaman na niya kaagad ang tungkol sa akin at kay Tali.

"Don't test my patience, Luther."

Nagkibit balikat siya sa sinabi ko.

I am in a good mood. Hinawi ko ang aking buhok pataas at pinipigilan ang aking sarili na mapangiti.

What I felt earlier was a feeling that I never thought would happen to me after a month of letting a strange woman inside my house.

That strange woman--my maid who happens now to be my lover.

"So, when are you going home, Cyron? iyong nandoon sana ako."

Nang marating namin ang bar ay kaagad na kumuha si Luther ng maiinom. I was just looking at him. He knows where are the things in my house. Hindi siya madalas dito, ilang beses pa lang siyang napupunta sa bahay ko pero sa laki ay kabisado na niya ang pasikot-sikot ng aking lugar.

Isang beses lang niyang makita ang isang bagay ay hindi na kailangan pang ulitin sa kaniya kung ano iyon.

Matandain siya sa lugar at sa mga detalye. Also, he has a high intelligence quotient. Dad liked him so much when we were kids because he's clever and can really get the attention of everyone by how his mind works.

Maybe that's the reason why Dad was so fond of Luther even if he's just adopted.

"Kauuwi ko lang, wala pang isang buwan," sagot ko sa kaniya.

Tumitingin siya ngayon ng alak na maiinom namin.

"Oh? reasons. I know why you don't want to leave your house."

Nilingon niya ako sandali at nginitian. He knows it. Wala rin naman akong balak na itago.

"Mind your own business, Luther. Huwag ka ring lumalapit kay Tali. Narito ka sa loob ng bahay ko."

Instead of reacting to what I said Luther just showed me the vodka.

"Vodka?"

"Bahala ka."

Nang makapili siya ng aming iinumin ay naupo siya sa aking tabi. Binuksan niya ang vodka at sinalinan ang aking baso. Hanggang anong oras ba ang inuman na ito? I wish my baby is still awake when we are done here.

"Nakakatampo ka naman, Cyron. Narito ka sa tabi ko pero iyong isip mo nandoon sa ikalawang palapag... sa silid ni Tali," sabi niya at ngumuso.

Nagsalubong ang aking mga kilay at sinamaan ko siya ng tingin.

"Don't even say her name, Luther and stop acting cute. Hindi sa 'yo bagay."

Ngumiti siya at uminom. I can't tell if he's saying the truth when he said that he was here because he wanted to have a drink with me. Mahirap rin basahin at malaman kung nagsasabi siya ng totoo.

"Hindi mo ba ide-deny sa akin ang mga napansin ko, Cyron?"

Pa-inom na ako nang magtanong siya. Nagsalubong muli ang mga kilay ko.

"Why would I deny it? I like Tali."

Napatingin ako kay Luther. He was moving his glass while looking at it.

"Even if she's a maid, Cyron? I saw that she has a great body, is that the reason--"

"If you want to have a good conversation with me, Luther then think a thousand times before you say a word about my woman."

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon