Chapter 80

3.6K 61 8
                                    


Hindi ko namalayan na isang oras ko na pa lang kausap si Thes. Nagpaalam na ako sa kaniya. Nang maibaba ko ang cellphone ko ay hinila naman ako ng antok at nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa tunog ng cellphone ko.

Kinapa ko iyon sa gilid at nang makita ko na si Luther ang tumatawag ay napabalikwas ako ng bangon.

"Hello?"

"Are you ready? nasa labas na ako ng bahay mo."

Nanlalaki ang mga mata ko na napatingin sa orasan sa kwarto ko.

4:50 pm na! holy shit! nawala sa isip ko! 5 pm nga pala kami aalis!

"W-Wait lang, Luther."

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at tinungo ko ang labas. Nang buksan ko ang gate ay nandoon nga si Luther at nakasandal sa harapan ng kaniyang kotse.

"Luther!" tawag ko sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin at unti-unting ibinaba ang cellphone. Naglakad siya palapit.

"I am sorry, nakatulog kasi ako, you can wait inside my house."

Nilakihan ko ang bukas ng gate at pumasok naman si Luther nang isasara ko na ay sinabi niyang siya na ang magsasara ng aking gate.

"Mukhang napagod ka," sabi niya habang inililibot ang mga mata sa mini garden ko sa labas.

Binuksan ko ang pinto ng aking bahay at pinapasok ko siya.

"Hindi naman, kausap ko lang kasi si Thes kanina tapos hinila na ako ng antok. Paggising ko nga ay mas a-alas singko na pala. Do you need anything? water? juice?"

"Maupo ka muna diyan, ha?" sabi ko sa kaniya. Sumunod naman si Luther at naupo nga siya sa sofa ko.

Nahihiya talaga ako! maghihintay pa siya sa akin ngayon!

"S-Sandali lang, ha? gagayak lang ako. Pasensiya ka na talaga."

Umiling naman siya sa akin, "Take your time."

Tumalikod na ako at pagkatapos ay tinungo ang aking silid. Naghanap kaagad ako ng maisusuot sa aking closet. Ang kinuha ko ay ang baby blue puff dress at ang flat white shoes ko. Mabilis lang akong naligo. Nagblower ako ng buhok at pagkatapos ay naglagay ng light makeup.

Dalawampung minuto ay natapos na ako. Nang makababa ay nagulat ako dahil ang mga alaga ko ay nakapalibot kay Luther. Si Daisy at si Lily ay nasa kandungan niya at si Rose naman ay nasa likod ng batok niya at nakaupo sa taas ng sofa. At sina Dandy, Dahlia at Cherry ay nasa tabi niya.

"O-Oh my gosh, I am sorry, yung mga balahibo nila..."

Dahan-dahan ko na inialis kay Luther ang mga anak ko.

"No, it's okay. Nakakatuwa nga at hindi nila ako sinungitan. Malalambing rin."

Ngumiti ako, "Tine-train ko rin kasi sila na makipag-interact sa ibang mga tao, sige wait lang, ha? ibabalik ko muna sila sa room nila para makaalis na tayo."

"Tulungan na kita, saan ba?"

Kinuha ko si Dandy pati na si Lily at binuhat na rin ni Luther ang ibang mga anak ko. Sinundan niya ako hanggang sa kwarto ng mga ito.

"This is nice, Thaliana, you really like pets, 'no? you treat them as your children."

Inayos ko ang higaan ng mga anak ko at nilingon si Luther.

"Oo, mahal ko sila at mga anak talaga ang turing ko sa kanila hindi lang basta alagang hayop."

Nang masiguro na okay na ang mga anak ko ay kinuha ko naman sa silid ang boquet na in-arrange ko for Tita Cynthia tapos ay saka kami lumabas ni Luther. Tinungo namin ang kaniyang sasakyan. Chineck ko pa ang aking cellphone kung may mensahe si Dad pero wala pa naman. Ako na lang ang nag-message at sinabing papunta na ako kasama si Luther.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon