Chapter 18

5.1K 83 0
                                    





  Nang matapos kong lagyan ng gauze pad ang kaniyang noo ay ibinalik ko na ang mga ginamit ko sa loob ng first aid kit. Sa gilid ng mga mata ko, nakikita ko si Rozzean na diretso lang ang tingin habang nakahalukipkip. Nakunsensya ako bigla sa ginawa ko, tiyak na kung may fans clab itong si Rozzean ay gegerahin ako ng mga iyon.

  Nasugatan ko ba naman ang gwapong mukha niya, eh.

  Napabuntong hininga na naman ako. Hindi ko alam kung pang-ilan na buntong hininga ko na ito ngayong araw. Nilingon ko si Rozzean, nais kong itanong muli sa kaniya ang tungkol sa pananatili ko dito kung sigurado na siya, ang kaso lang ay nahihiya ako.

  Muli akong bumuntong hininga. Ang mga kamay ko ay hindi mapakali. Pinaglalaruan ng mga daliri ko ang dulo ng aking uniform.

  "Kung may sasabihin ka ay sabihin mo na, hindi iyong titingin ka at bubuntong hininga. Hindi ako nakababasa ng isipan, Tali."

  Humaba ang nguso ko sa sinabi niya. Nahihiya nga ako! pagkatapos ng ginawa ko ay inakala ko na sisisantihin niya talaga ako. Nagpaalam pa naman ako ng emosyonal kay manang kanina at sinabi niya pa na tutulungan ako sakaling paalisin ako ni Rozzean sa bahay niya.

  Parehas namin ni manang naramdaman na huling araw ko na pero hindi pala.

  "Kasi nagtataka lang ako, sir, dapat talaga pansisante na 'yong ginawa ko."

  Saan ka ba naman nga kasi nakakita ng katulong na palasagot sa amo, nananakit pa. Saka sa ugali ni Rozzean na napansin ko noong una, strikto, masungit at seryoso siyang tao. Sa ugali niya ay tingin ko hindi niya pinapalagpas ang ganitong pangyayari sa bahay niya.

  Nagkamali ako.

  "I told you already. Kailangan ko ng katulong, pero sige, sa oras na makahanap ako ng papalit sa 'yo ay mag-impake ka kaagad at umuwi sa kung saan ka man lugar nanggaling."

  Nang marinig ko ang sinabi niya ay napatayo ako. Hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. Sinusubukan ko lang naman siya pero biglang ganon!

  "Ay, hindi! w-walang bawian, sir. Urong-sulong ka naman, touch move na 'yon. Wala nang palitan ng desisyon. Sinabi mo na sa akin na hindi nga ako masisisante, eh, tapos kapag nakahanap ka ng bagong katulong pag-iimpakihin mo ako?"

  Napailing siya at napahawak sa kaniyang sintido. Hinilot niya iyon. Ako naman ay nakaramdam ng kaunting pag-aalala dahil baka sumasakit ang ulo niya sa ginawa kong pagbato ng sapatos ko.

  "S-Sir, okay ka lang? masakit ba ang ulo mo? punta ka na kaya sa doktor? baka dahil iyan sa pagbato ko ng sapatos ko sa 'yo?" tanong ko sa kaniya.

  Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o mananatili ako dito sa puwesto ko dahil nakita kong nagsalubong ang makakapal na kilay niya.

  "Sumasakit ang ulo ko dahil sa 'yo at hindi dahil sa sapatos mo. Napakakulit mo. Ikaw itong tanong ng tanong sa akin kung sigurado na ang desisyon ko, kanina ko pa sinabi na hindi nga pero parang mas gusto mo na sisantihin kita dahil sa ginawa mo."

  Kinuha ko ang first aid kit at ngumiti sa kaniya. Baka nga magbago pa ang isip kailangan ko nang lumabas dito sa silid niya.

  "Hindi, ano ka ba, sir? naninigurado lang iyong tao. Sigurista lang, baka nga magbago iyong isip mo, eh," sabi ko sa malambing na tono.

  "Bumaba ka na, sabihin mo kay Manang Selya na may darating akong bisita ng alas dose. Dito magla-lunch."

  Napataas ang mga kilay ko. Shet jowa niya kaya?

  "Sino sir?" tanong ko.

  Nang tingnan niya lang ako ay ngumiti ako sa kaniya at alanganin na tumawa. Tumango-tango ako at ibinalik sa drawer iyong first aid kit niya at naglakad papunta sa pinto. Kapag ganito ang mga tingin ni Rozzean ay nauubos na ang pasensiya niya.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now