Chapter 63

3.1K 48 0
                                    

Ipinilig ko ang aking ulo. Why am I thinking about that now? ang bilis ko naman sumuko. Wala pa nga akong ginagawa tapos ngayon naiisip ko nang hindi na ako mapapatawad ni Rozzean. I need to take back my fighting spirit. Hindi ako si Thaliana kung hindi ako susubok ng paraan para makuha muli si Rozzean.

Nagdesisyon nga akong mag-apply na kasambahay para makita ko ang ugali niya at masiraan sa Daddy tapos ngayon na nalaman na niya ang totoo saka pa ako mawawalan ng pag-asa.

"I just made a mistake, kuya. That's why Luther is my fiance now."

"What? anong mistake?"

Since he's the oldest at alam kong malakas ako sa kaniya, sasabihin ko na ang totoo.

Huminga ako ng malalim at ikinuwento kay Kuya Grecion ang ginawa ko.

"Alam mo na ayokong mag-asawa, hindi ba?"

"Yes. Kaya nga nagulat ako pati si Griz at Grand nang sabihin ni Dad na sumang-ayon ka. But that time, hindi namin alam kung sino ang lalakeng pakakasalan mo. Hindi naman din sinabi ni Daddy sa amin."

"Tiwala si Dad sa lalake na nais niyang ipakasal sa akin. Sinabi niya na mabait at talagang sigurado siyang hindi ako lolokohin. Dad and I had an agreement, kuya. Dahil nga ayokong mag-asawa ay sinabi ko sa kaniya na kapag may nakita akong hindi magandang ugali ng lalakeng nais niyang pakasalan ko ay hindi na niya ako dapat pang pilitin na magpakasal at hayaan na niya akong gawin ang lahat ng gusto ko. He agreed."

"What? and then?"

"Ang talagang fiance ko ay si Rozzean Cyron Valleje."

"What?!"

"Grecion, huwag kang sumigaw, ano ba!"

Narinig ko sa kabilang linya ang boses ng asawa ng kapatid ko.

"Hindi ako nagbakasyon sa Palawan, Kuya Grecion, ang ginawa ko ay nagpanggap akong mahirap at pumunta ako sa Tagaytay. Pumasok akong katulong sa bahay ni Rozzean."

"Holy sht, Tangi. You really did that?! Kaya pala kahit anong hanap namin sa Palawan ay hindi ka namin makita!"

"I know that it was wrong kuya. Pero hindi ko na mababawi, nagawa ko na. Ang buong akala ko ay si Rozzean ang magiging fiance ko kuya pero nagulo ang lahat. Rozzean fell for Tali--iyong katauhan ko bilang kasambahay niya. H-Hindi ko alam ang gagawin ko noon, kuya, hindi ako makaalis kasi nga mahal ko na rin si Rozzean. Hindi ko siya maiwan-iwan."

A moment of silence passed by. Sa tingin ko ay humuhugot ang aking kapatid ng pasensiya sa kung saan dahil sa mga sinabi ko.

"Alam ba ito ng Daddy, Thaliana Tangi?"

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang tawagin niya ako sa aking buong pangalan.

"Hindi pa, kuya. Sasabihin ko, kakausapin ko si Dad. Ayoko rin na mawala ang tiwala niya kay Rozzean gayong kasalanan ko ang lahat. Nagalit kasi si Dad kay Rozzean dahil tumalikod ito sa usapan na pakakasalan ako. Dahil naman iyon kay Tali, kuya, dahil sa pagmamahal sa akin ni Rozzean bilang is Tali."

"Nalagay sa alanganin ang kumpanya ni Rozzean dahil sa akin. Kaya rin si Luther ang naging fiance ko dahil isinalba niya ang kapatid niya sa galit ni Dad. K-Kasalanan ko talaga, kuya."

"My God, Thaliana. What have you done? kilala ko nga iyang si Rozzean Cyron. Kung ganoon ay siya pala ang talagang fiance mo. Dad really likes him, Thaliana, saksi kami nila Griz at Grand. Sa mga events ay palaging pinupuri ng Daddy si Rozzean. He's a monster in business and like what he said to you he's indeed a great man. Ano ang ginawa mo, Thaliana?"

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now