Chapter 23

4.7K 73 0
                                    




Kaagad na tumalima si manang. Ako naman ay hindi alam kung ano itong nararamdaman ko. Nang tingnan ko ang oras ay alas singko na. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa pag-iisip. Sumunod ako kay manang sa kusina.

    "Manang, magluluto pa po kaya ako ng hapunan natin? marami pa kasing natira nong mga iniluto ko kanina."

    Nakatingin ako kay manang habang kumukuha ng mga beer. Napanguso ako, bakit pakiramdam ko nagkasala ako kay Rozzean dahil sa mga tingin niya.

    "Hindi na, natanong ko na rin kanina si sir, ang sabi niya ay huwag na daw."

    Tumango-tango ako.

    Nang maibaba ni manang sa lamesa ang tatlong beer ay naisip ko na ako na ang magdala sa silid ni Rozzean.

    "Manang, ako na lang magdala niyan sa room ni sir?" tanong ko habang nakangiti.

    Ngunit bago pa makasagot si manang ay narinig namin ang boses ng aming amo sa speaker.

    "Manang Selya, ikaw ang magdala sa silid ko ng beer. Pakisamahan na rin ng yelo at isang baso."

    What the?

    Ayaw niya talaga!

    "May ginawa ka ba kanina sa gazebo, Tali? bakit parang ayaw kang utusan ni sir? kanina rin noong nasa rooftop ako at nagdala ng mga beer ay sinabi niyang magdala ako ng sisig para pulutan nila. Nang sabihin ko na ikaw na ang pag-aakyatin ko ay hindi siya pumayag."

    Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig kay manang. Sa lalim ng pag-iisip ko kanina ay hndi ko napansin na bumaba siya para kumuha ng pulutan.

    "Ngayon naman ay nagprisinta ka ulit sa akin pero mukhang naramdaman ni sir iyon kaya't sinabi kaagad na ako ang magdala sa silid niya ng mga beer. May ginawa ka ba kanina para ikainis ni sir sa 'yo, Tali?"

    Aba ay iyon nga rin ang iniisip ko. Parang wala naman.

    "Wala po, manang, masarap naman daw iyong luto ko sabi ni Sir Maki. Hindi naman siya napahiya sa bisita niya."

    "Ganoon ba, eh, bakit kaya?" salubong ang kilay na sabi ni manang.

    "Tapos iinom ulit si sir, eh, may pasok siya bukas. Hindi naman siya umiinom ng gabi kapag may pasok siya kinabukasan."

    Nagtataka ang mukha ni manang. Siya ang mas higit na nakakakilala kay Rozzean pero ito siya at nagtataka sa kilos nito. Habang paalis si manang ng kusina ay napapailing siya.

    Ako naman ay naiwan doon na nag-iisip.

    Sa nangyari simula kaninang tanghali nang dumating si Maki hanggang sa makaalis ito. Inilalayo ko ang dahilan sa aking isipan kung bakit ganito ang reaskyon ni Rozzean. Kung bakit ayaw niya akong paakyatin kanina para madalhan sila ng inumin at ng pulutan.

    Ayaw niya ba na makita ako ni Maki?

    Pero bakit?

    Is he... jealous?

    Ang kapal ng mukha ko sa part na 'yon, eh, isa lang akong maid niya.

    Putragis. Ayoko itong nasa isip ko. Imposible.

    Napaka imposible naman na nagseselos siya sa pinsan ko!

    Tangi, isa kang maid ngayon, maid! katulong! at ang boss mo ay isang binatang bilyonaryo na gwapo na sexy na malaki ang hotdog! ang hanap niyan ay magandang babae na tiyak na sexy!

     Sumapit ang dilim, nasa silid na ako at nagpapahinga para makaligo. Hindi na bumaba si Rozzean nang dalhan ni manang ng maiinom niya. Hinintay ko siya hanggang alas nuwebe sa baba at nagbabakasakali ngunit wala.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon