Chapter 98

3.6K 60 9
                                    

Thaliana Tangi Dela Vezca

"I will not listen to you! kay Dad ako makikinig!" sigaw ko sa kaniya.

Kabado ako. Malayo na kami sa daungan. Hindi ko na 'yon malalangoy at baka mamatay pa ako! ano ba itong nais ni Rozzean? kung gusto niya pala na mag-usap ay bakit dito pa at kaming dalawa lang?

Umalis siya sa aking harapan at pumasok sa loob ng yacht. Naramdaman ko na tumigil ang sinasakyan namin sa pag-andar.

"Don't make it hard for the both of us, Thaliana," sabi niya nang makabalik.

"Hindi kita ibabalik hangga't hindi tayo nakakapag-usap."

"This is kidnapping! I will sue you!"

Nakangiti lang siya kanina pa habang nakatingin.

"Then sue me."

Naglakad siya palapit at ako naman ay napaatras. Kay Dad ko gustong marinig kung ano ang mga nangyari dahil maaaring magsinungaling sa akin si Rozzean. Isa pa, Klari was always with him!

"Listen to me--"

"No! hindi ako makikinig!" sigaw ko at tinakpan ko ang aking mga tainga. Nahulog ang cellphone ko ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin. Nakita kong napakunot ang noo ni Rozzean.

"You are not going to listen?"

Hindi ako sumagot. Nagulat ako nang maglakad siya sa gilid ng yate at itinaas niya ang paa niya.

W-What is he going to do?

Tinatakot ba niya ako?

"Hindi mo talaga ako pakikinggan?"

Nang hindi ako magsalita ay bigla siyang tumalon sa dagat.

Sht.

Para akong natulos sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw dahil sa pagkabigla. Ang kaba sa dibdib ko ay sobra na. Nang matauhan ako ay mabilis akong tumingin sa ibaba.

"R-Rozzean..." bulong ko. Kaagad na umahon ang matinding takot nang hindi ko siya makita sa tubig.

"Rozzean!" I shouted. Hindi ko pa rin siya nakikita! hindi pa rin siya umaahon!

Tumalon ako at sumisid sa ilalim upang hanapin siya. Nang mauubusan na ako ng hininga ay umahon ako. Muli kong tiningnan ang paligid.

"R-Rozzean Cyron!" I shouted.

"Rozzean..."

Sa sobrang takot na hindi ko pa rin siya nakikita ay napaiyak ako. Palinga-linga ako sa paligid.

"R-Rozz--"

"See?"

Napasinghap ako nang maramdaman ko siya sa likod ko. Ang mga kamay niya ay nasa baywang ko at mahigpit akong yakap.

"You are afraid to lose me... takot ka... takot na takot ka, Thaliana," his lips were on my ear.

Nang humarap ako sa kaniya ay pinalo ko siya sa braso niya.

"B-Bakit mo ginawa 'yon! akala ko... a-akala ko--"

Rozzean suddenly claimed my lips. His right hand that was on my waist went on my nape to deepen the kiss. Nang humiwalay ang mga labi niya sa akin ay nakita ko ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Listen to me, baby, let's not make this hard for the both of us... maraming nangyari, may mga pinagsisihan ako pero hindi nawala ang pagmamahal ko sa 'yo."

"I still love you... mahal na mahal pa rin kita."

"Let's talk... please..."

Kumapit ako sa braso niya at unti-unti akong tumango. Umahon kami ni Rozzean. Kumuha siya ng towel sa loob at ibinigay iyon sa akin. I was looking at him when he suddenly removed his polo. Napalunok ako at napalayo ng tingin sa kaniya.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now