Chapter 12

5.1K 85 0
                                    





      Masama ang mukha ko na nakatingin sa TV at nanonood ng cartoon. Nagluto ako ng popcorn. Sabi ni manang ay maaari naman akong magluto ng pagkain na gusto ko. Hindi naman daw iyon ipinagbabawal ni Rozzean dito sa mansyon niya.

      "Bwisit na lalakeng iyon. Saan kaya nagpunta? ang sabi noong byernes ay hindi lang siya uuwi ng gabi, pero lunes na ng gabi at wala pa rin siya! saan 'yon nagpunta?"

      Pakiramdam ko ay natakasan ako ng daga. Paano kung hindi niya dinadala sa bahay niya ang babae niya? paano ako makakakuha ng ebidensya?

      Tuloy-tuloy ang pagsubo ko ng popcorn habang naiinis na bumubulong. Nang magsawa ako kakanood ay pinatay ko ang TV. Pumunta ako sa kusina at ibinaba sa sink ang bowl na puno ng popcorn kanina. Sa sobrang inis at pag-iisip ko sa dahilan kung bakit hindi umuwi si Rozzean ay sandali ko lang naubos ang popcorn na iniluto ko.

      "Kapag nagpatuloy na mawawala siya palagi ng ilang araw ay mauubos ang dalawang buwan ko nang walang nalalaman. Nakakainis, saan naman kaya iyon nagpunta?"

      "Ano ang ibinubulong mo, Tali?"

      Bigla akong napalingon nang marinig si manang. Nginitian ko siya at ibinalik ang aking paningin sa paghuhugas. Napangiwi ako sandali. Buti pala hindi malakas iyong boeses ko. Nakakatakot rin minsan itong si manang, dumarating ng walang tunog, kahit yabag wala. Tapos magugulat ka na lang maririnig mo na lang bigla 'yong boses niya.

      "Wala po, manang. Ano po ang gusto ninyong hapunan natin at ng mga guard?" tanong ko para mailayo ang usapan.

      Inilagay ko sa lalagyanan ang bowl at nagpunas ng mga kamay. Hinintay ko ang sagot niya. Binuksan ni manang ang ref at tumingin siguro ng lulutuin ko.

      "Magchi-chicken curry ako, 'nak. Pahinga ka na lang o 'di kaya ay maligo kung gusto mo. Mainit pa naman ang panahon ngayon. Ako na ang magluluto ng hapunan natin," sabi niya.

      Napangiti ako at pinagsalikop ko ang aking mga kamay. Bait ni manang! pero tama siya, nakakapagod rin kasi ang maghapon na ito para sa akin. Dahil dalawa lang kami ni manang na katulong ay kami lang ang naglilinis ng lahat ng lugar sa mansyon na ito. Sa loob at labas. Nakakapagod talaga.

      Mabuti na lang at sanay na sanay ako sa gawaing bahay. Kung hindi baka may paltos na ang mga kamay ko.

      "Naku, salamat, manang. Oo nga po, eh, mainit ngayon. Nangangati nga po ako," sabi ko at kinamot ang aking sarili.

      Nang makakuha si manang ng manok at mga kakailanganin niya ay naroon pa rin ako.

      "Maligo ka kaya sa pool? mukhang hindi rin naman uuwi si sir ngayong gabi. Alas otso na, eh, madilim na rin. Madalas hanggang alas syete lang siya sa labas. Sa tingin ko ay hindi na siya uuwi."

      Nagningning ata ang mga mata ko sa sinabi ni manang. Mas mawawala ang init na nararamdaman ko kung maliligo nga ako sa pool! kailangan kong magbabad. Saka, nami-miss ko na rin mag-swimming. Iyong pool pa naman dito ni Rozzean napakaluwang.

      "Puwede kaya, manang? marunong naman ako lumangoy," sabi ko.

      Nilingon ako ni manang.

      "K-Kasi laking ilog ako, eh, alam mo na, manang sa mga probinsya maraming ilog..." dagdag ko.

      "Oo, ayos lang 'yan. Sabi ko nga, walang masyadong patakaran si Rozzean at hindi rin siya mahigpit basta't ginagawa ng mga katulong niya ng maayos ang trabaho. Sige, maligo ka na, isang oras ay nakahanda na ang pagkain," sabi sa akin ni manang.

      Ngiting-ngiti akong tumango at kaagad na tinungo ang aking silid sa ikalawang palapag. Titingnan ko kung may dala akong panligo! ang alala ko ay puro mahahabang kasuotan ang dala ko. Tapos iyong panty ko pa ay hello kitty ang print.

      Bakit ba kasi bumili ako non? as if namang ipapakita ko kay Rozzean ang panty ko para maniwala siyang mahirap ako.

      Minsan hindi rin ako nag-iisip at mahina iyong takbo ng isip ko.

      "Hmmm... hmm..."

      Nakalagay na sa maayos na lalagyanan ang mga damit ko. Ilang araw na rin kasi ako dito sa bahay. Apat na araw na, at kabisado ko na rin ang mga dapat gawin. Kung anong oras gigising, anong oras kailangan maghanda ng pagkain. Mga lugar na lilinisin, pati ang mga high-tech na lugar dito sa bahay ni Rozzean.

      "Ay, may dala nga ako!"

       Kinuha ko ang black two piece na nasa pinaka dulo ng drawer at tinitigan iyon. Mukhang ito lang ang swimsuit na dala ko. Iyong iba kasi puro panty na na hello kitty print. Tas yung mga bra naman nabili ko sa tiangge.

      "Sabi naman ni manang mukhang hindi uuwi si Rozzean, ayos 'to. Kahit sandali ay makalangoy sa pool. Napakainit naman kasi," sabi ko.

      Nang maisuot ko ang two piece ay kinuha ko naman ang itim na pajama at isinuot iyon. Nagtshirt rin ako para doon ko na lang huhubarin sa pool. Madilim na doon, saka sabi ni manang, alas diyes ang ikot ng mga guard sa buong mansyon.

      Malaya ako!

      Nakasampay sa balikat ko ang aking tuwalya habang pababa ng hagdan. Hindi na ako nag-abala na itago ang aking mga braso dahil si manang lang naman ang narito saka may ideya namana siya sa kulay ko dahil sa mga kamay ko na napansin niya.

      "Manang, sandali lang po ako," sabi ko sa kaniya.

      Ngumiti si manang at nag-thumbs up. Nang makalabas ako ng mansyon ay naglakad ako papunta sa pool. Mga tatlong minutong paglalakad bago ako makarating. Nasa tapat iyon ng rooftop, pero dahil gabi na noong nagpunta kami ni manang sa rooftop noon ay hindi ko ito nakita sa baba.

      I giggled when I saw the pool. Ibinaba ko sa gilid ang tuwalya na dala ko at hinubad ko ang tshirt na suot at ang pajama. Bago iyon ay tinanggal ko rin ang nunal ko. Wala akong extrang nunal na dala. Paano kung mawala ito sa pool? napakahirap nitong hanapin.

      Kailangan ko pa naman pangalagaan ang nunal ko ngayon dahil ito ang unang napansin ni Rozzean. Hindi lang isang beses, kung hindi dalawa pa.

      Nang maalis ko na ang tshirt at pajama ay tumalon kaagad ako sa pool.

      "Ahh! shet! ito ang buhay!"

      Sa totoo lang nahihirapan na ako, pero kailangan kong tiisin kasi apat na araw pa lang naman. Para naman ito sa buhay na inaasam ko, tiyak na hindi ako pakikinggan ni daddy kapag ang dahilan ko lang kaya ayoko sa ugali ni Rozzean ay dahil masungit siya, madalas maghubad ng damit, at nagmumura.

      Baka pagtawanan pa ako ng dad.

      Sumisid ako sa ilalim, bata pa lang sinanay na ako lumangoy kaya't walang problema sa akin ang lalim ng pool na ito ni Rozzean. Habang nasa gitna ng pool ay napakaraming pumapasok sa isipan ko sa tatlong araw na hindi umuwi ang boss masungit ko na 'yon.

      Maaaring may girlfriend talaga siya, at naroon siya ngayon.

      Gumagawa sila ng himala kasi weekend. Tama naman kasi si manang, gwapo na mayaman pa si Rozzean. Saka naniniwala ako na may kinikita iyon. Ilang taon na ba siya? at sigurado na hindi naman niya seseryosohin ang sinabi ni daddy. Maghahanap at maghahanap siya ng babaeng pagrarausan niya.

      Men loves sex.

      Nag-floating ako at tumingin sa mga bituin sa taas. Napakaganda ng pwesto ng pool na ito. Kitang-kita ang maraming bituin.

      "Kayanin ko kaya ang dalawang buwan? may makikita at malalaman ba ako na magagamit ko para hindi matuloy ang nais ni dad na kasal?"

      Napabuntong hininiga ako. Ipinikit ko sandali ang aking mga mata at ninamnam ang sandali. Pinapawi talaga ng lamig ng tubig sa pool ang init na nararamdaman ko.

      "Miss na miss ko na ang mga anak ko..."

      Nang idilat ko ang aking mga mata ay gumawi ang tingin ko sa ibang direksyon.

      Sht.

      Muntik na akong atakihin sa puso nang matuon ang aking tingin sa rooftop. Kitang-kita ko si Rozzean. Nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa akin!

      Anong ginagawa niya dito?! akala ko ay hindi siya uuwi!

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now