Chapter 106

2.9K 46 0
                                    

Masakit para sa akin na malaman na nagkaganito si Rozzean nang dahil sa ginawa ko bilang si Tali. Sarili ko lang ang iniisip ko noon at nasaktan ko siya ng sobra dahil sa desisyon ko na pag-alis nang hindi sinasabi sa kaniya ang totoo.

Natakot ako pero hindi ko naisip na mas matatakot pala siya sa gagawin ko. I thought he will just get mad at me. Ngunit ngayon na humupa na ang galit ay natira naman ang takot na baka iwanan ko siya ulit.

Ngayon ay nakatingin ako sa kaniya habang may kausap siya sa kaniyang cellphone. Narinig ko na tungkol iyon sa trabaho. Pagkakain pa lang namin kanina ay pumunta na kami kaagad sa silid niya at nagbukas na siya kaagad ng laptop. Naging abala na habang ako naman ay nasa gilid lang niya at nagse-cellphone.

Ka-chat ko si Thes. Plano niya na pumunta bukas dito sa bahay ni Rozzean para mapag-usapan namin ang nangyari.

Patingin-tingin ako kay Rozzean at sa aking cellphone. Nang matapos siya ay bumalik siya sa sofa at humarap na muli sa kaniyang laptop. Naupo ako sa tabi niya at humilig sa kaniyang braso.

"May problema ba?"

I am liking his smell. Gusto ko palagi siya sa tabi ko dahil sa amoy niya. Pakiramdam ko rin ay mas lumakas ang aking pang-amoy.

"Nothing, baby, kailangan ko lang pumasok ng maaga bukas dahil may meeting ako kasama ang mga board members."

Lumingon siya sa akin at hinalikan ako sa aking noo. Hinawakan rin niya ang kamay ko na nakakapit sa kaniyang braso.

"Thes said that she will come here tomorrow, Rozzean, mag-kukwentuhan kami. Nais niyang malaman ang nangyari. Sasabihin ko na rin sa kaniya ang magaganap na kasal. Hindi iyon matutuwa kapag sa tawag ko lang ipapaalam sa kaniya."

He smiled at me and nodded.

"Mabuti na rin na nandito siya para may kasama ka, para kahit papaano ay malibang ka."

Napanguso ako sa isinagot niya. Hindi naman ako mababagot dito sa bahay niya dahil mauubos ang oras ko sa paglilinis at pag-aasikaso ng kaniyang garden. Napabayaan niya talaga dahil marami nang mga dahon ang natuyo at mga bulaklak na nalanta. Sayang naman.

"May mapaglilibangan naman ako, iyong garden mo. Ang dami nang sira na bulaklak... hindi mo naman na naalagaan," nagtatampo kong sabi sa kaniya.

Mahalaga ang hardin na iyon sa kaniya dahil isa iyon sa ala-ala ng yumao niyang kapatid. At kaya niya iyon napabayaan ay maaaring dahil sa akin. Dahil sa nangyari sa amin.

"I am sorry, baby. Hindi ko na rin napansin dahil kapag umuuwi ako noon dito sa bahay ay gabi na. But you are here now," he said and kiss me on my forehead again, "I know you will take care of it."

Hindi na ako umalis sa tabi ni Rozzean. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya sa kaniyang laptop. Habang nakatingin ako ay nasagi ng mga mata ko ang CCTV footages ng kaniyang bahay. Nakakonekta pala sa kaniyang laptop. Bigla kong naalala ang mga kaganapan nang umalis ako.

"Let's sleep?"

Tumayo si Rozzean at ganoon na rin ako. Napatingin ako sa oras sa gilid. Alas diyes na at maaga pa pala siyang papasok bukas. Pero hindi pa ako inaantok. Nang maramdaman ko ang kamay ni Rozzean sa aking baywang ay napatingin ako sa kaniya.

"I still can't believe it that you are here with me..."

Yumuko ang kaniyang ulo at bumaba iyon sa aking balikat.

"Sana paggising ko bukas ay nasa tabi pa rin kita."

I caressed his back that made him looked at me. Nginitian ko siya at hinawakan ko ang kaniyang pisngi. I just need to always remind him that I will never leave. Hanggang sa mapanatag na ang loob niya na hindi ko siya iiwan.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now