Chapter 101

3.6K 55 0
                                    

"Tali... don't... don't leave me, please..."

Napakunot ang noo ko sa aking narinig. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Umikot ang aking paningin sa paligid at naalala ko ang nangyari kahapon... at kagabi. Nandito ako ngayon sa yacht ni Rozzean at nakapag-usap na kami tungkol sa mga nangyari. Nagkalinawan na rin.

"Tali... no..."

Bumaba ang tingin ko sa kaniya nang muli siyang magsalita. Mahigpit ang yakap ng kaniyang kanang kamay sa aking baywang. Nasa dibdib ko ang kaniyang mukha. He's calling me--Tali. Bigla ay nakaramdam ako ng lungkot at sakit sa pagtawag ni Rozzean sa pangalan ni Tali sa kaniyang panaginip.

I will not leave you again. Hinding-hindi na.

Umangat ang aking kamay at sinuklay ko ang kaniyang buhok. We are both naked underneath. May kumot na nagtatakip sa aming katawan. What happened last night was amazing. Tandang-tanda ko na kahit ang pinakamaliit na detalye. It was hot and... wild. Nabasa ko ang aking pang-ibabang labi habang nakatingin sa mukha ni Rozzean na nasa aking dibdib.

Ganda ng puwesto niya, ha?

Sinubukan kong tumalikod upang kuhanin ang aking cellphone upang tingnan ang oras ngunit hindi ko nagawa dahil mahigpit na nakayakap sa akin ang kamay ni Rozzean. Parang ayaw niya manlang akong pagalawin sa aming puwesto.

Hinayaan ko na muna ang pagtingin sa oras at ipinagpatuloy ko ang pagsuklay ng aking mga daliri sa malambot niyang buhok. Sinilip kong muli ang kaniyang mukha. He was peacefully sleeping. Mukhang malalim ang tulog niya. Mahigpit rin ang kapit sa akin na akala mo anumang oras ay aalis ako sa kaniyang tabi.

He's also calling Tali's name. Alam ko na sobra siyang nasaktan dahil sa ginawa kong pagpapanggap para lang makilala siya at makahanap ng hindi magandang ugali niya. Ginawa ko ang lahat ng iyon sa pagaakala na makakalaya ako sa gusto ng aking ama na pagpapakasal kay Rozzean pero iba ang nangyari.

Love will find you when you least expect it.

Pero ang mas hindi ko inasahan ay nang mahulog si Rozzean sa binuo kong pagkatao. He fell for Tali...hard. Na talaga naman ikinagulat ko rin. Tali is his maid. Walang maipagmamalaki pero dito pa talaga siya nahulog.

Sa sobrang pagkahulog niya ay mas lalo kong nakita ang totoong ugali niya. Na oo nga, tama nga si Dad. Rozzean is a great person. I doubted my father because I wanted to continue my life without a man--a husband. Kasi masaya na ako at ang akala ko ay iyon na ang buhay ko hanggang sa tumanda ako.

But it was a rollercoaster ride for Rozzean and I. Nahirapan ako--bilang si Thaliana na bumalik at ipaliwanag kay Rozzean ang lahat dahil mahal ko na rin siya. Hindi lang mahal. Mahal na mahal. I fell hard too. We both don't want to lose our sight for each other. Katulad ng sinabi niya sa akin na hinahanap-hanap ako palagi ng mga mata niya ay ganoon rin ang nararamdaman ko para sa kaniya.

I am so in love. So in love that I can't comeback and explain everything to him. Natakot rin ako na baka hindi na niya tanggapin. I hold on to his love and I was hurt because as I expected he will get mad. So mad that he doesn't want to believe my words that night--when I came into his house and told the truth about Tali. Na iisa lang kami. Walang kapantay ang sakit ng pagsasabi ng totoo. Lalo na nang makita ko ang reaksyon sa mukha niya.

Nasaktan rin ako pero wala akong ibang sinisisi dahil ako naman ang nagsimula ng panloloko sa kaniya.

But if ever I didn't do that... naisip ko, ganito kaya kami ngayon? naisip ko na kung hindi ako pumunta sa bahay niya at nagpanggap na isang mahirap na naghahanap ng trabaho ay mamahalin niya kaya agad si Thaliana?

"Hmmm..."

I looked at Rozzean when he moaned. Mas hinapit niya ako palapit sa kaniya. Napatigil ang aking mga daliri sa paggalaw sa kaniyang buhok. I smiled and when he buried his face on my neck.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now