Chapter 94

3.1K 42 3
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Luther ay hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Kaagad kong tinungo ang kumpanya ni George Dela Vezca--ang ama ni Thaliana. Hindi na ako nagpa-set ng appointment at kaagad na pumunta na lang sa kaniyang opisina.

"Mr. Velleje, may susunod na meeting pa po si Mr. Dela Vezca sa--"

"Lynda, let him."

Nang makapasok ako ay sinalubong ako ng seryosong tingin ni George Dela Vezca. Tumayo siya at pagkatapos ay lumapit sa akin. Ang mga kamay niya ay nasa magkabilang bulsa.

"My daughter got into an accident, Rozzean."

"Sir--"

Umigkas ang kamao niya at tumama iyon sa aking mukha. Nawalan ako ng balanse ngunit hindi ako tumumba.

I deserve that punch. I know I deserve it.

"Baka magising ka."

"Nagkamali ang anak ko, takot iyon sa commitment kaya niya nagawa na lokohin ka. Pero alam ko na ang mali ay mali kaya hinayaan ko na humingi ng tawad sa 'yo pero ano ito, Rozzean? does she need to put her life at risk para lang mapatawad mo? kaisa-isang anak ko na babae si Thaliana at ikaw ang napili ko na mapangasawa niya dahil malaki ang tiwala ko sa 'yo."

"Do you know that my daughter still defended you after she had an accident? natakot na idadamay ko pa ang kumpanya mo dahil sa galit ko sa 'yo. Lahat kami ay kinausap niya. Mahal na mahal ka pero ganoon ba kahirap magpatawad, Rozzean?"

Nabulag ako ng galit ko. Natabunan ng galit ang pagmamahal. Alam ko na masasaktan ko si Thaliana dahil sa galit na iyon kaya gusto ko munang hayaan niya ako pero hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito.

"I... I am sorry, Mr. Dela Vezca."

"Mahal na mahal ka ng anak ko pero may hangganan rin ang pagmamahal na 'yon, Rozzean."

Nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya. Humakbang ako habang nakakuyom ang aking mga kamay.

"I am sorry that my anger took over me. Mahal na mahal ko rin po si Thaliana. Sobrang mahal ko siya at handa akong gawin ang lahat para sa kaniya ngayon."

Umismid siya at pagkatapos ay napailing.

"But right now she's moving on..."

"She wanted to forget you at siguro alam mo na rin na engaged ang aking anak kay Luther. They are close and my daughter might fall for him."

Iyon ang hindi ko hahayaan na mangyari.

"Mr. Dela Vezca--"

"But I will still give you your last chance, Rozzean. Parehas kayong nagkamali, hindi ako magiging unfair sa 'yo."

Nabuhayan ako sa sinabi niya sa akin. Kailangan kong makuha muli ang loob niya at ang pagsang-ayon niya bago ko muling lapitan si Thaliana. Kaya siya ang pinuntahan ko ngayon upang makausap.

"Thank you, Mr. Dela Vezca--"

"Pero hindi mo maaaring lapitan ang anak ko at kausapin hangga't hindi siya ang tumatalikod sa engagement nila ni Luther. Sa oras na siya ang pumutol sa engagement ay maaari mo na siyang lapitan at makausap."

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Paano ako makakagawa ng paraan para maging maayos ang relasyon namin kung hindi ko siya maaaring lapitan at kausapin? paano na kung hindi tumalikod si Thaliana? Paano kung mahulog ang loob niya kay Luther?

"B-But what if she falls for my brother?" tanong ko.

"Then that's not my problem, Rozzean. Problema mo iyon. Sino ba ang nagmatigas? pasalamat ka nga at pagkatapos ng nangyari sa anak ko ay kinakausap pa kita."

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now