Chapter 44

3.9K 57 0
                                    







Ano ba 'yon?

"Hmmm..."

What is this?

Pinapalis ng aking kamay ang bagay na dumadampi sa mukha ko. Nagsalubong ang aking mga kilay nang lumapat na naman iyon sa aking mukha.

"Natutulog ako, ano ba--"

"Hmm..."

Napadilat ako nang may lumapat sa aking mga labi. Nakita ko si Rozzean na nakapikit habang nakaibabaw sa akin.

What the hell?! kanina pa ba siya dito? Lilingon sana ako para tingnan si Taki na natutulog sa tabi ko pero hinawakan ni Rozzean ang aking pisngi at mas nilaliman ang halik.

"S-Sandali, a-anong ginagawa mo dito?" tulak ko sa kaniya.

"Wha? this is my room, baby, of course I will be here," sagot niya at nang muling aatake na naman ang mga labi niya ay tinakpan ko ang bibig niya at nilingon ang kama.

"N-Nasaan si Taki? nasaan ang anak mo?"

Imbis na sumagot ay bumaba ang mukha ni Rozzean sa aking leeg at humalik doon.

"R-Rozzean, t-tinatanong kasi..."

His hand went on my back and removed the lock of my bra. Napasinghap ako. Hindi ba at dapat nagpapaliwanag siya sa akin ngayon kung sino si Taki? bakit iba naman ang ginagawa niya?

"I really like your smell, Tali--"

Nang marinig ko ang sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko at itinulak siya. Mabilis akong bumaba ng kama.

Marami akong ginawa ngayong maghapon! pawis ako at mabaho! anong he really likes my smell?! Nakakahiya ang amoy ko ngayon tapos tirik pa ang araw sa labas kanina!

Nakatingin sa akin si Rozzean habang nakakunot ang kaniyang noo. Nagtataka siyang tumingin sa akin.

"S-Sir ano na naman ba ang--"

Naging seryoso ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Napalabi ako at napaatras habang nakatingin sa kaniya na nasa ibabaw ng kama.

"Sir? ano na ang nangyari sa Rozzean?"

Iniiwas ko ang aking mga mata. Napangiwi ako dahil sa tono ng boses niya.

"Why are you avoiding my kisses, Tali? ayaw mo na ba sa mga halik ko?" parang bata na nagtatampo na tanong niya.

"Hindi ganoon--"

"Bakit lumalayo ka sa akin ngayon?"

"Sir--"

"Is this because of Luther?"

"Dahil na naman ba sa kapatid ko?"

Baka gusto niya akong pagsalitain, 'no?!

Saka ano na naman ang kinalaman ni Luther dito?

"Sir, walang kinalaman si Luther dito. Ang akin ay nasaan ba kasi si Taki? ang alam ko siya ang katabi ko kanina, bakit naging ikaw noong nagising ako? tapos humahalik ka pa riyan," sabi ko sa kaniya.

"Nasa baba si Taki kasama si Luther, at bakit masama ba na tumabi sa 'yo dito sa loob ng silid ko?"

Napalunok ako sa tingin niya. He's grumpy again!

"Hindi... naman," bulong ko.

"Come here."

Umiling ako nang ilahad niya ang kamay niya. Hahalik na naman siya! Hindi pa ako naliligo! mamaya pa ang ligo ko!

"Tali."

Mukhang nauubos na ang pasensiya niya dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.

"Huwag mo akong pag-isipin, marami nang tumatakbo sa isipan ko sa inyo ng kapatid ko--"

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now