Chapter 77

3.3K 64 8
                                    



Hindi pala sapat na mahal mo lang ang isang tao para mag-stay ka at maghintay na muli kayong magkakaayos. Kahit pala ilang beses ko na sinabi na sobrang mahal ko si Rozzean at hindi ko isusuko ang nararamdaman ko sa kaniya ay darating pa rin ako sa punto na ito.

Na mas mangingibabaw na yung sakit kaysa sa pagmamahal.

Sa dalawang beses na nakita ko silang magkasama ni Klari ay hindi lang basta kurot ang naramdaman ko sa puso ko, paulit-ulit na parang may punyal na sumasaksak sa dibdib ko.

Ang sakit. Sobrang sakit.

Tama na. Ayoko na. Hindi na ako aasa na maaayos pa dahil mukhang okay na rin siya. He's better without me. He looks good without me.

Rozzean is fine... without me.

"Thaliana, you are not eating your food. Sinabi mo sa akin na mag-uusap tayo pero pagdating dito ay hindi ka naman nagsasalita. Hanggang sa dumating ang pagkain ay ginagalaw mo lang. What happened?"

Umangat ang tingin ko kay Luther. Tinawagan ko siya at tinanong ko kung mayroon siyang libreng oras ngayon upang makausap ko at sinabi naman niya kaagad na wala siyang ibang gagawin pagkatapos ng office hours.

Nagkita kami sa Carnazi. Isang restaurant malapit sa flower shop ko.

"Luther..."

Ibinaba niya ang kubyertos niya habang nakatingin sa akin. He noticed that there's something wrong from me that's why he's giving his full attention right now. Ako naman ay hindi kaagad nasundan ang sasabihin nang banggitin ko ang pangalan niya. Nais kong muling magsalita pero nanginig ang mga labi ko nang maalala ko ang ipinakita sa akin ni Thes.

"Thaliana, tell me, what happened? why are you acting like this? kanina pa lang nang makita kita ay alam kong may hindi magandang nangyari--"

"I will stop loving him."

Nakita ko na nagulat siya ngunit kaagad din iyon na nawala. Napahinga si Luther ng malalim at pagkatapos ay uminom siya ng tubig. Not the reaction that I expected.

Ang totoo ay lahat sila na nakapaligid sa akin ay sinasabing I did enough. Na hindi na ako dapat kumilos pa at hayaan ko na si Rozzean ang gumawa ng paraan kung talagang mahal ako nito but I've had enough seeing Klari and Rozzean while I am here still holding on the thought that we could be together again.

Para akong tanga na asa ng asa na babalikan nga niya ako habang siya ay naroon at kasa-kasama si Klari.

I've seen them together twice, sa bahay niya ay sobrang sakit na pero hindi ko alam na may sasakit pa pala dahil pagkatapos kong umasa na magkakaayos kami when he saved me in the bar and when he called ay makikita ko na naman sila ni Klari na magkasama.

Who knows how many times they're going out? na sila lang dalawa.

Tama na.

"W-Why? bakit? ano ba ang nangyari? may ginawa ba si Cyron?"

Ngumiti ako ng tipid kay Luther. Hindi naman ako tanga dati, ngayon lang.

Totoo nga na kapag nagmamahal ka nagiging tanga ka, bulag, at bingi. Bulag kasi nakita ko na noon na ayaw na nga sa akin, pinilit ko pa rin, nakita ko nang kasama si Klari sa bahay umasa pa rin ako. Bingi dahil kahit ilang beses nang sabihin sa akin na mababaw lang ang pagmamahal ni Rozzean kaya hindi niya ako makuhang mapatawad ay hindi ko iyon pinakinggan. I didn't listen to their negative opinions about Rozzean because I love him... so much.

Mahal na mahal ko ng higit pa sa sobra.

"Thes saw him with Klari and my friend showed them to me in a video call. They were eating in a restaurant in Batangas. Sa tingin mo after all the pain I've felt hoping that our relationship would be better, do I still need to continue this feeling? lalo at nakikita ko na maayos na siya? Na okay na?"

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon