Chapter 39

4.1K 65 0
                                    



Gusto kong magtanong kung ano ang nangyari sa kaniya ngunit nanatili akong tahimik. Wala rin akong lakas ng loob dahil nakukusensiya ako dahil sa ginawa ko. Alam ko naman na kasalanan ko, hindi ko pinag-isipang mabuti ang desisyon na ito at ngayon na nahulog ako kay Rozzean, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang totoo.

Tiyak na magagalit siya.

Iisipin niya na niloko ko siya at pinaglaruan.

"Thank you for being here with me."

Muli niya akong niyakap. Nakakapit siya sa akin ng mahigpit. His head was on my neck.

"Don't leave me, Tali. Ayoko nang maging mag-isa."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang marinig ang kaniyang sinabi. Paano ako makakaalis sa bahay na ito? hindi ko siya maiiwan kung ganito siya sa akin. Paano ko masasabi sa kaniya ang totoo?

"Thank you for coming into my life and making me feel whole."

Umangat ang aking kamay at hinagod ang kaniyang buhok. Yumuko ako at hinalikan siya sa kaniyang ulo.

I can't believe what happened to us.

I came here as Tali and entered his house as a maid. I saw him naked on my first day. Akala ko masama siyang tao ngunit hindi pala at ngayon nagsisisi na ako sa desisyon na ito dahil sa takot na kamuhian niya ako sa oras na malaman niya ang totoong pagkatao ko.

Nalaglag ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. How could I leave him and come back as Thaliana?

Ang hirap-hirap mo nang iwan sa ganitong sitwasyon, Rozzean, pero hindi ako maaaring mabuhay bilang si Tali. Kailangan kong bumalik at harapin ka bilang si Thaliana. I need to clear everything, apologize for my mistakes. Kaso nakakatakot. Natatakot ako ng sobra.

Ngayon lang ako natakot ng ganito sa buong buhay ko.

Ang takot na pakiramdam ko sa oras na masabi ko sa kaniya ang totoo ay mawawala siya sa 'kin.

"Hindi mo naman ako iiwan, 'di ba?"

Humiwalay siya sa akin ng yakap at tinitigan ako sa mga mata. His facial expression wanted me to say yes. Ayoko na sanang magsinungaling, Rozzean... mas madaragdagan lang ang sakit.

"Hindi ka naman aalis sa bahay ko, 'di ba?"

"You are not going to leave me because you said that you like me too. I wanted to know. Gusto ko makasigurado."

Umawang ang mga labi ko para sagutin sana siya ngunit walang mga salita na lumabas.

Nang umatras si Rozzean ay hinabol ko ang kaniyang kamay.

Napaawang ang mga labi ko dahil sa biglaang reaksyon ko sa paglayo niya.

Tingnan mo na, Thaliana? kung gaano ka katakot.

"May balak ka?"

Umiling ako ng sunod-sunod. Hindi naman iyon. Ayokong umalis. Pero hindi ako maaaring manatili sa bahay niya bilang si Tali, hindi ako maaaring manatili sa buhay niya at mahalin siya bilang si Tali na katulong niya.

I need to come back here as Thaliana. Oo, aalis ako, babalik ako sa dating buhay ko pero hindi ko naman siya tuluyang iiwan.

"H-Hindi ganoon--"

Muli siyang umatras, ako naman ay hinila ang kaniyang kamay.

"Ano pala? Why are your reactions telling me that this is temporary?"

Nagsalubong ang mga kilay niya sa akin. Ayoko ng ganito, Rozzean. Ang hirap naman...

"R-Rozzean, hindi kasi madali iyong sitwasyon natin. Paano kung hindi ako matanggap ng pamilya mo?"

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now