Chapter 15

5K 81 7
                                    





          I don't know what happened next. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa likod ng pinto ng silid ko sa bahay ni Rozzean. He's pinning me to the back of my door. Ang kaniyang mukha ay sobrang lapit at ang mga mata niya ay seryosong nakatingin sa akin.

          "S-Sir? bakit?"

          Hindi siya nagsalita. Nang aalis ako sa aking puwesto ay bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko. Kinakabahan ako! Ano ba itong trip niya ngayon? at bakit sobrang lapit niya sa akin?

          Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sa sobrang lakas ay nabibingi na ako. Isa pa, iyong hininga niya ay naaamoy ko na. Lintek, ang bango, ha? kumain pa siya ng lagay na ito. Nasaan ang amoy ng chicken curry na iniluto ni manang?

          "Sir, kung pinagti-tripan mo ako ay tigilan mo na. Kung sa tingin mo mahuhulog ako sa patibong mo para mapaamin ako na gusto kita at mapalayas dito sa bahay ay hindi mo iyon magagawa. Hindi kita bet. Okay?"

          Hindi nagbago ang reaksyon ng mukha niya dahil sa sinabi ko.

          Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at nanlalaki talaga ang mga mata ko. De puta. Hahalikan ba ako nito? hindi pa ako nagtu-toothbrush!

          "I should do this now before I went crazy."

          "H-Ha?!" kinakabahan na tanong ko. Ano ang ibig sabihin niya don?

          Bago ako makaalis sa puwesto ko at maiwasan ang nagbabadyang panganib na sisira ng plano ko ay mabilis ang naging pangyayari. Rozzean claimed my lips and because my lips was opened when I talked he entered his tongue.

          Sht! first kiss ko ito tapos french kaagad?!

          "S-Sir, s-sandali..." sinubukan ko siyang itulak. Pero sino ang kinukumbinsi ko sa mahinang pagtulak ko sa kaniya?

          "S-Sir..."

           Hindi siya matigil sa paghalik sa akin. My heart beat faster and faster as he continue kissing me. Hindi... he should stop. I need to stop him. Iniangat kong muli ang mga kamay ko para maitulak siya pero parehas niyang kinuha ang mga iyon at itinaas sa pinto.

          "Tali..."

          Nang marinig ko na iniungol niya ang pangalan ko ay nabigla ako. Bumigay na ang pader. Hindi ko na inilaban pa ang mga kamay ko. Ang mga halik niya ay tinugon ko at ang mga kamay na kanina'y pumipigil ay nakahawak na sa kaniyang batok at hinanapit pa siya ng mas malapit.

          "S-Sht."

          Napasinghap ako nang itaas ni Rozzean ang dalawang hita ko at ipalupot iyon sa kaniyang baywang habang patuloy pa rin akong hinahalikan. Mababaliw na ata ako! ilang minuto na at hindi pa rin siya tumitigil sa malalim na paghalik sa akin.

          Sa mga nobela ko lang nababasa ang ganitong pangyayari, iba pala mahalikan ng isang gwapo, sexy at bilyonaryong lalake.

          "S-Sir, s-sandali... a-ang aggressive mo naman. C-Chill-chill lang, okay?"

          Humiwalay ang mga labi ni Rozzean ngunit hindi ganoon kalayo. He smirked and then I felt his hands on my back. Caressing...

          Maryopsep! Ngayong gabi ba mawawala ang kainosentehan ko? hindi sa ganitong paraan ko naiisip iyon! hindi bilang isang maid! hindi bilang si Tali!

          Naramdaman ko na tinanggal ni Rozzean ang lock ng aking bra, pagkatapos ay muling hinalikan ang aking mga labi. Sa sobrang lalim at sarap niyang humalik ay wala na akong nagawa. Saka ko na lang iisipin ang sasabihin ko sa kaniya mamaya.

The Billionaire's PlaymateUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum