Chapter 70

3.5K 53 2
                                    

Thaliana Tangi Dela Vezca

Bantay sarado ako ngayon at hindi maaaring umalis sa mansyon ng aking mga magulang. Naghigpit si Daddy, naiintindihan ko naman siya kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Ayoko na rin na salungatin pa siya dahil iba na ang galit niya.

Nang sinabi niya sa akin na wala siyang balak na galawin ang kumpanya ni Rozzean ay napanatag ako. Iyon lang naman ang iniisip kong talaga. Ayoko na dahil sa nangyari sa akin ay mas magalit siya kay Rozzean.

Hindi naman nito kasalanan.

Ako ang hindi nag-ingat.

"Thaliana, anak?"

Napatingin ako sa pinto ng aking silid nang marinig ang boses ni Mommy. Bumangon ako mula sa kama at lumapit doon.

"Mom?"

Nakangiti siya sa akin nang buksan ko ang pinto at makita ko siya.

"May bisita ka anak."

Bago ko po maitanong kung sino ay biglang lumabas mula sa gilid si Thes. Ang aking kaibigan.

"Tangi!" sigaw niya at niyakap ako.

"Thes..."

"Maiwan ko na kayo, ha? magpapaakyat na lang ako ng meryenda kay manang mamaya para sa inyo."

Tumango ako kay Mommy at ngumiti. Nang makapasok si Thes sa aking silid ay isinarado ko ang pinto at nilapitan siya. Naupo siya sa ibabaw ng kama ko at ako naman ay sa aking single sofa.

"Gaga ka! bakit hindi mo sinabi sa akin na muntik ka nang mamatay? paano na ang mga anak mo sa pet house ko? jusko, siguradong miss na miss ka na ng mga 'yon."

Ako rin naman miss na miss ko na ang mga ito pero dahil nga hindi pa ako makakauwi sa bahay ko ay hindi ko pa rin sila pwedeng makuha. Hindi naman sila maaari dito sa mansyon dahil allergic si Mommy sa balahibo ng pusa.

"Ang daming nangyari sa buhay ko, Thes..."

Nagsalubong ang mga kilay niya, "Anong marami? isang buwan ka lang mahigit na nawala dahil nagbakasyon ka ay marami nang nangyari? bakit? kuwento mo naman."

Huminga ako ng malalim at hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi maiyak nang maalala si Rozzean. I became emotional because of him. Sobrang miss ko na siya at iyong mga ngiti niya sa tuwing nakatingin sa akin pero mukhang hindi ko na iyon makikita pa.

Mahal na mahal ko talaga siya kaso wala na... isinuko ko na iyong pag-asa na magkakaayos kami.

"T-Thes..."

Napatayo si Thes nang makita niya na umiiyak ako. Lumapit siya sa akin at hinila niya ang isang upuan upang pumwesto sa harapan ko.

"Oh, gosh, should I call Tita Tathiana? may sumasakit ba sa 'yo, Tangi?" tanong niya.

Masakit... masakit iyong dibdib ko. What happened yesterday was so painful. Hindi ako makahinga sa sakit sa tuwing maaalala ko si Klari at si Rozzean. Hanggang sa huli ay ayaw niya na akong makita.

"D-Don't call mom. O-Okay lang ako..."

Inabutan ako ni Thes ng tissue at pagkatapos ay hinimas niya ang aking likod upang kumalma ako. Nang matigil ako sa pag-iyak ay tinitigan ko siya. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ng aking kaibigan.

"Tangi, ano ba ang nangyari? I was so worried when I learned from your brother that you got into an accident. Ano ba ang ginawa mo sa Tagaytay?"

Pinunasan ko ng tissue ang aking mukha bago ako nagsalita.

"The man I love was living there, Thes."

"W-What? t-the man you love? l-love? as in pag-ibig, Tangi?"

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now