Chapter 27

4.9K 72 1
                                    







Pagkatapos ng nangyari sa business room ay wala akong narinig kay Rozzean na balita tungkol sa sinabi nung matanda na kakasuhan ako. Sa totoo lang ay hindi ako napakali ng ilang araw, iniisip na baka makaapekto ang ginawa ko sa sitwasyon niya sa kumpanya.

Lalo sa narinig ko na sasabihin ni Mr. Vidar ang nangyari sa ama ni Rozzean. Inisip ko kung may naikwento si Daddy tungkol sa kay Mr. Valleje. Pero wala akong narinig kay Daddy tungkol sa ama ni Rozzean, kung mabuti ba ito o strikto kaya't mas lalo akong natakot.

Nandito ako ngayon sa rooftop at naglilinis. Napatingin ako sa ibaba--sa pool. Nakita ko ang aking boss na nakaharap sa laptop niya at nagtitipa. Kahit sabado ay nagtatrabaho pa rin.

"Kung tutuusin ay maaari na akong umuwi, mukhang tama naman ang lahat ng sinabi ni Daddy. na mabait nga si Rozzean at walang dahilan para hindi ko makilala."

Kapag ang Daddy ang nagsalita ay naniniwala kaming lahat, pero sa sitwasyon ng pag-aasawa, dahil ayaw kong talaga, hahanap at hahanap talaga ako ng paraan para mapatunayan na may dahilan para hindi ko makilala ang lalakeng gusto niya.

At iyon nga ay si Rozzean.

"Kaso tatlong linggo na ako dito, napansin ko ang mabuting kalooban niya, hindi rin siya basta nagagalit sa kaniyang mga katulong. Nabato ko siya ng sapatos sa noo, dumugo pa, tapos iyong investor niya sinapak ko at sinakal pero ipinagtanggol pa niya ako. Nakikita ko rin na maayos ang pakikitungo niya kay manang."

Napabuntong hininga ako.

Bakit pa kasi ako nananatili dito pagkatapos na rin ng mga sinabi sa akin ni Maki?

He's right, what I was doing is dangerous. Maaaring magalit sa akin si Rozzean sa oras na malaman niya na ako, si Tali at si Tangi na mapapangasawa niya ay iisa.

I was so desperate to see the man that Daddy wanted me to marry. Ang unang plano ay maghanap ng dahilan para hindi matuloy ang kasal. Pero unti-unti kong napapatunayan na hindi masamang tao si Rozzean.

Bigla tuloy akong nagsisi at natakot.

Kailangan ko nang bumalik.

"The only way to leave this house is to say that I like him."

Habang nagpupunas ako ay nakatingin ako sa kaniya sa ibaba.

Napataban ako sandali sa dibdib ko.

He's a serious person. Nais niya lahat ng bagay sa kaniyang bahay ay nasa ayos pero napansin ko rin na marunong siyang mag-appreciate ng mga bagay na ginagawa para sa kaniya.

"Nagsisisi ka ngayon, Tangi?"

Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas at patingin-tingin sa ibaba. Hindi ko namalayan na mag-iisang oras na ako dito sa rooftop na nakatingin kay Rozzean habang nagtatrabaho siya. Napansin ko na kahit pag-inom ng tubig ay hindi niya ginagawa. Kanina pa siya nagta-type.

He's like my Dad. Pag tungkol sa trabaho ay hindi tumatayo hangga't hindi natatapos sa ginagawa. 

"Tali, gusto mo ba na sumama sa akin mag-grocery?"

Nilingon ko si manang, kapapasok lang niya sa rooftop. Lumapit ako at ibinaba sa gilid ang basahan.

"Wala na po bang stock ng mga pagkain, manang?" tanong ko.

"Oo, eh, ngayon ko lang napansin."

"Sige po, kaso manang, hindi ba at may pinapaasikaso po sa inyo si sir?

Narinig ko kasi kanina na may pinapadala si sir kay manang sa city hall na mga papel. Hindi ko alam kung para saan iyon.

"Ay, oo nga pala!"

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon