Chapter 55

3.5K 56 7
                                    







"I love you, baby... I love you so much."

Naidilat ko ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Rozzean. Bumangon ako at pagkatapos ay tiningnan ang aking cellphone. May mga emails at messages pero minabuti ko munang pumunta sa banyo at maghilamos.

Lumalala ang pagka-miss ko kay Rozzean dahil hanggang sa panaginip ko ay naroon na siya. We are happy in my dream. Pero sa panaginip ko ay ako na si Thaliana at hindi na si Tali. I wish he could forgive me, iyon sanang hindi na matagal na away at paliwanagan.

Pero alam kong malabo dahil sa mga sinabi ni Maki at ni Luther.

Rozzean is not the kind of man who will let anyone fool him.

Ano ang pinagkaiba ko? kahit pa mahal niya ako ay tiyak na masasaktan siya at magagalit sa ginawa ko.

"I need to call Dad."

Hindi na ako makapaghintay. Kung hindi ko makakaharap si Rozzean sa linggong ito ay ako na mismo ang pupunta sa bahay niya sa Tagaytay para ipaliwanag ang nangyari. I can't wait for Dad and Mr. Valleje to schedule our meeting.

Naghanda ako ng aking agahan habang patingin-tingin sa messages sa aking cellphone. May mensahe ang mga kapatid ko at kinakamusta ako. Nang mag-ring ang cellphone ko at makita ang pangalan ni Dad sa screen ay kaagad ko iyon na sinagot.

"Good morning, Dad."

"Good morning, anak, may pagkakaabalahan ka ba mamayang hapon?"

Naupo ako at hinalo ang aking gatas.

"Wala naman po, Dad, baka nakauwi na rin ako niyan sa bahay galing sa Tinatangi. Why po? may ipapagawa po kayo sa akin?"

"Good, because we will meet the Vallejes at 6:00 pm, Tangi. Nagkasundo na kami sa oras. You are going to meet your fiance."

M-Mamaya?

"O-Okay po, Dad, iyon lang po ba?"

"Yes, anak, sa Levri Restaurant. See you later, take care okay? I love you."

"Take care also, Dad, kayo ni Mommy. I love you po, pakisabi na rin po kay Mommy."

Nang mamatay ang tawag ay parang sandali akong tinakasan ng aking kaluluwa sa sinabi ng aking ama. Later I will meet Rozzean. Magkikita na kami at ipapaliwanag ko sa kaniya ang lahat. Napahawak ako sa singsing sa aking kamay.

Makikilala ba niya ako? If not, I would show him this ring. Sigurado na kapag nakita niya ang singsing na suot ko ay paniniwalaan niya na ako at si Tali ay iisa.

"Mahihirapan ako pero gagawin ko ang lahat para mapatawad niya."

Gumayak ako at pumunta sa Tinatangi nang umagang iyon. Nagpakabusy akong muli sa pag-aasikaso ng mga orders na mga bulaklak. Ako na ang nag-aayos sa tuwing may order kahit na walk in client pa.

"Ma'am Tangi, lunch na po," sabi sa akin ni Ria.

Tumango lamang ako sa kaniya habang tinatapos ang bouquet ng tulips na order online. Kahit sa online ay napakarami rin na umo-order sa aking shop. Hindi nawawalan. Mahina na ang 100 orders sa Tinatangi sa isang araw.

"Dalhan ko na lang po kayo, Ma'am Tangi?" tanong ni Ria sa akin.

"Yes, please," sagot ko at ngumiti.

Alas tres y medya ko balak na umuwi sa aking bahay upang mag-ayos para sa dinner mamaya. I can't stay calm, talagang kinakabahan ako at naninikip ang dibdib ko sa isipin na magkikita kami mamaya ni Rozzean.

Hindi na bilang si Tali, kung hindi bilang si Thaliana.

"Ma'am, may um-order po ulit ng bouquet, 2 bouquet of red roses po, ito po iyong nag-message rin kahapon na nag-request na kayo po iyong mag-ayos."

The Billionaire's PlaymateOnde as histórias ganham vida. Descobre agora