Chapter 87

3.3K 57 1
                                    

My lips parted.

Nalaglag ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Pinalis ko ang mga iyon at malakas ko siyang itinulak. Tinitigan ko siya ng masama.

"I hate you."

"I will forget you. Everything about you. Tama si Thes may makakatagpo pa ako na ibang lalake na makikita ang halaga ko. Hindi katulad mo na mas--hmmp!"

Tinawid niya ang distansya namin at marahas niya akong hinalikan sa aking mga labi. Sinusubukan ko siyang itulak pero mahigpit niya akong muli na hinapit sa aking baywang at ang isang kamay niya ay nakahawak sa aking batok.

Galit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nang lumayo ang mga labi niya ay nagsalita siya.

"You can't forget me. You love me. Mahal na mahal mo ako at hindi mo ako makakalimutan," matigas niyang sabi sa akin.

His breath touches my face. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

"No! kaya ko! kaya kitang kalimutan!" sigaw ko sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin. Tama ako, he was doing all of this because of my Dad.

"You are mine, sa akin lang, hindi ka mapupunta sa ibang lalake."

"Hindi ako sa 'yo! h-hindi na ako magiging sa 'yo! I h-hate you! I hate you s-so much!" I was crying while saying that to him.

Ang mga labi ko na sinasabi kung gaano ko kamahal si Rozzean noon ay iba na ang isinisigaw ngayon.

"I-I h-hate you!" sigaw ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Narinig ko ang mahihinang pagmumura niya.

"L-Let me go!"

"I hate you so much, Rozzean! Let go of me! I hate you--"

"I love you."

Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niya. Naramdaman ko ang mukha niya sa aking leeg. He was giving me small kisses.

"I love you," pag-ulit niya at ngayon naman ay idinikit niya ang kaniyang mga labi sa tainga ko.

"I love you, Thaliana..."

Nang humiwalay ako ng yakap sa kaniya ay sakto naman na pagbukas ng pinto ng silid ko.

Napatingin kami doon ni Rozzean. Nakita ko si Luther. Bumaba ang tingin ko sa susi na hawak niya. I gave him a spare key of my room. Nang makita ko kung sino ang kasama niya ay napalayo ako kay Rozzean.

"Thaliana..."

Pinaglalaruan niya ba ako?

"Rozz..."

Napaismid ako nang marinig ko ang boses ni Klari.

Mahal niya ako? pero bakit palagi niyang kasama si Klari? bakit palaging nandito ang babaeng ito?

"Out."

"Thaliana, she's here because her family was invited--"

"Hindi ka aalis?"

Sa itsura niya ay mukhang wala siyang balak na umalis.

"I will not leave until we talk about everything... I don't care about what your Dad will going to say. Let's talk... please..."

Tumingin ako kay Luther, kinuha ko ang mga gamit ko sa aking silid at naglakad ako palapit sa kaniya. Nang lingunin ko si Rozzean ay nakita ko ang sakit sa mga mata niya.

"Kung hindi ka aalis ay ako ang aalis. Maiwan ka dito mag-isa!"

Lumabas na ako ng aking room. Tinawag ko si Luther na kaagad naman na sumunod. Luther's room was in third floor also. Tinungo namin ang kaniyang silid at nang makapasok kami ay ibinaba ko ang aking mga gamit. Pagod na naupo ako sa sofa na naroon.

"Ano ba ang nangyari? papunta ako sa silid mo at nagkasalubong kami ni Klari dahil hinahanap niya si Cyron. Nang marinig namin ang ingay sa tapat ng pinto mo ay naalarma ako kaya't binuksan ko kaagad. Nag-aaway ba kayo? at ano ang ginagawa ni Cyron sa loob ng silid mo?"

Napahawak ang mga kamay ko sa aking noo. Dahan-dahan akong napatingin kay Luther.

"He went to my room, pinapasok ko dahil nga bigla siyang dumating at makikita siya ni Thes. Itinago ko siya sa banyo ko hanggang sa makaalis ang kaibigan ko. Binanggit niya iyong nangyari kagabi at sinabi ko na sobrang lasing ako kaya ako gumanti. Nais rin niya na tumalikod ako sa engagement natin."

"Nang tanungin ko kung ginagawa niya ang lahat ng ito dahil kay Dad ay inilayo niya ang tingin sa akin, Luther."

"I am torn between whether he wanted to save his relationship with my Dad for the sake of his company or because he loves me."

Umiling si Luther, "Cyron is not that kind of person, Thaliana. I am not saying this because I am on his side. I also thought that maybe he just wanted to save his good relationship with Tito George but then I remembered how he backed out in your engagement. Kung paano niya sinabi sa iyong ama na hindi siya takot mawala ang lahat sa kaniya at ang ikinatatakot lang niya ay ang mawala sa kaniya si Tali."

Napayuko ako, pinalis ko ang luha sa mga mata ko.

"T-Then why is he like this?"

"Hindi ko rin alam, Thaliana, naiinis rin ako dahil hindi ko maintindihan ang mga inaakto niya pero mukhang handa na niyang ipaliwanag sa 'yo ang lahat. It's up to you now if you wanted to talk and listen to him."

"But he's with Klari again... they are always together, hindi ka ba nagtataka doon, Luther? the last time I went to his house he let Klari take care of him. They were alone. I-I was so jealous and right now I am still jealous. W-Why..."

"W-Why do I need to feel this kind of pain, Luther? ang sakit-sakit at ang hirap-hirap naman mahalin ni Rozzean. Hanggang sa proseso ng pagkalimot pala ay sobra pa rin akong masasaktan."

Nilapitan ako ni Luther at niyakap.

"Stop crying, the party will start soon. Mamamaga ang mga mata mo."

Kinuha ni Luther ang lahat ng mga gamit ko sa aking unang silid dahil ayoko nang bumalik pa doon. Dahil nga nasa silid na niya ako ay bumaba siya upang kumuha pa ng isang room na katabi lang ng sa akin. Doon siya lumipat.

Nang sumapit ang alas syete ng gabi ay sabay kaming bumaba ni Luther at pumunta sa venue. Tinawagan ko si Thes ngunit hindi siya sumasagot, mukhang natutulog pa ito.

"Good evening, Mr. Faustino!" Luther went to greet the visitors.

Naiwan akong mag-isa sa gilid. Marami-rami na ang mga tao at wala pa rin si Tito Royce at Tita Cynthia.

"Tangi!"

Nang marinig ko ang boses ni Mommy ay napalingon ako. Lumapit ako sa kaniya ng nakangiti. Humalik ako sa pisngi ng Mommy at ng Daddy.

"The place was so great! you did a great job, anak. Ang ganda ng mga bulaklak pati ang ayos."

Ngumiti ako sa aking ina, "Thank you, Mommy..."

Nang tumingin ako sa Daddy ay parang may hinahanap siya.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now