Chapter 56

3.2K 50 1
                                    

We went to the vip room of the restaurant to have our dinner.

I was quiet the whole time. Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na tumitingin sa akin ang aking katabi na si Luther.

Ano ang nangyari?

Dad told me that the man that will going to be my fiance is Rozzean. Malinaw na malinaw niyang sinabi sa akin ang pangalan ng lalakeng pakakasalan ko. Pero bakit si Luther ang narito ngayon?

"I heard about what happened to Thaliana, nakarating sa akin dahil ipinahanap ninyo na sa mga pulis. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kaniya."

Umangat ang tingin ko kay Royce Valleje nang magsalita ito. Ang magkatabi ngayon ay ako at si Luther. Nasa harap ko naman ang mag-asawang Valleje at ang Mommy at Daddy ay nasa gilid ko.

"We were so worried, but thank God that she came home fine, Royce. Sinuyod na ang buong Palawan pero hindi siya nakita, mabuti na lang at may nakakilala na kaibigan ni Maki sa kaniya. Ang akala nga namin ay nadamay na si Tangi sa pagbabanta sa buhay ni Grand kaya sobra rin ang naging takot ko," sagot ng Daddy.

That was just a lie from Maki to cover me. Kahit na magbahay-bahay sa buong Palawan ay hindi talaga ako makikita dahil nasa Tagaytay ako sa bahay ni Rozzean.

Tahimik lamang akong kumakain at nakikinig sa kanila. Nang maramdaman ko na lumapit sa akin si Luther ng kaunti ay napatingin ako sa kaniya.

"We will talk later."

Tumango ako sa ibinulong niya sa akin. Mukhang napansin niya ang mood ko. Alam ko naman na hindi makakalampas sa mga mata ni Luther ang gulat ko nang malaman na siya na ang fiance ko.

We should really talk later.

Alam niya na ako at si Tali ay iisa, alam niya ang dahilan kung bakit ako naroon sa bahay ni Rozzean. Ngunit, sigurado ako na alam rin niya na mangyayari ito--na siya na ang fiance ko at hindi si Rozzean.

Is this the reason why he was so eager for me to go home? Was the care for Rozzean that he told me was to cover his real reason?

Naguguluhan ako at napakaraming tanong sa isipan ko. Ang kaba na makita at makausap si Rozzean ay napalitan ng gulat, pagtataka at maraming katanungan.

When Dad and Mr. Royce Valleje talked about leaving us alone ay nagpasalamat talaga ako.

"Kilalanin ninyong mabuti ang isa't-isa, ha?"

I looked at my Dad. I also wanted to talk to him. Nagbitiw siya ng pangalan noong nag-usap kami. He told me that I will going to meet Rozzean Cyron Valleje and his parents. Also, kaya rin ako nagpanggap na maid at isinagawa ang plano ko ay ayokong matuloy ang nais niyang pagpapakasal ko.

But, what is this? walang sinabi ang Dad na pagbabago. 

He told me that I was going to meet Rozzean not Luther. Nais kong malaman kung bakit ang kaharap at naging fiance ko na ay si Luther.

"Mauuna na kami, Tangi," sabi sa akin ni Dad.

Tumayo ako at humalik sa pisngi ng aking mga magulang. Yumuko naman ako at nagpaalam sa mga magulang ni Luther. They're smiling at me. Kanina pa hindi mawala ang ngiti nila habang nakatingin sa akin. I also heard their compliments about me multiple times. Lalo nang malaman na may sarili akong negosyo at naninirahan na mag-isa.

Cynthia Valleje also invited me to their house. Para daw makapagkuwentuhan. Ang ilang mga sinabi ay hindi ko na masyadong matandaan dahil ang isip ko ay okupado ni Rozzean.

Why is he not here? and why did Luther replace him?

"Next time, Thaliana, I would buy in your flower shop. I would also recommend it to my friends."

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now