Chapter 6

5.7K 85 3
                                    




Ipit na ipit ang sarili ko at nakaliyad pa para lang hindi mapadikit sa lalakeng ito sa harapan ko. Kung ganoon ay tinikman niya pala iyong iniluto ko. Pero kailangan ba sa ganitong posisyon pa?

  Hingang malalim, Tangi. Huwag ka magpaapekto sa lalakeng iyan. Kailangan mong lakasan ang loob mo. Narito ka sa pamamahay niya para imbestigahan ito, hindi ka maaaring mahulog sa patibong niya mukhang tine-test niya ang pasensiya ko at tinitingnan kung type ko siya, katulad ng mga katulong na napalayas niya.

  "Sir, kung nagugutom na po kayo ay maghahanda na ako," magalang kong sabi.

  Umatras siya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Talaga bang naglalakad siya dito sa bahay niya ng walang pang-itaas na saplot?

  "Nasaan si Selya?" tanong nito sa akin.

  "Siguro po ay nasa labas," sagot ko naman habang nagsasandok ng kanin niya. Naglagay na rin ako ng ulam.

  Naiilang ako. Pakiramdam ko ba ay pinapanood niya ang bawat pagkilos ko.

  Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng juice. Nagsalin ako sa pitsel at inilagay iyon sa island counter. Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagsunod sa akin ng tingin ni Rozzean. Nakahalukipkip siya at nakasandal sa counter.

  Jusko. Feeling CCTV naman siya. Mukhang sinisiguro niya na hindi ako katulad ng mga katulong na pinalayas niya.

  Nang maihain ko na ang kaniyang pagkain ay tiningnan niya iyon. Naupo siya at kinuha ang kubyertos pagkatapos ay nagsimulang kumain. Ako ay nasa gilid lang at pinapanood siya. Grabe, ha?

  Pakiramdam ko ay nanonood ako ng commercial ng isang restauraunt habang nakatingin sa kaniya. Iyong paraan ng pagsubo niya sa kutsara, pati iyong paglunok niya. Kahit na ang pag-inom ng juice. Wala atang pangit na anggulo ang lalakeng ito.

  Nakakainis.

  "Are you going to stare at me until I finish this food?"

  Napadiretso ako ng tayo sa tanong niya.

  "Sir?" tanong ko. Kunwari ay hindi naintindihan ang sinabi niya.

  Naku, panalangin ko lang ay huwag akong sumagot kapag nagtanong siya ng sa ingles. Nakita ko na mapanuring tao itong si Rozzean. Ang klase ng mga tingin niya ay hindi basta-basta. Para bang pinag-aaralan niya ang bawat kilos at galaw ko.

  "Wala," hinagod niya ang lalamunan niya at tumikhim. He also cleared his throat. Hindi kaya okay iyong timpla ko sa  juice?

  "Tapos na akong kumain. Humarap ka sa akin at may nais akong pag-usapan," sambit niya.

  Sumunod ako at tiningnan ko siya.

  "Okay ang pagkain. Sakto sa panlasa ko. Pasado ka na sa kusina," sabi niya.

  Ay, hindi pa ba kanina noong sinabi niya na magluto ako?! akala ko naman ay okay na dahil inutusan niya ako na ipagluto siya.

  "Sabi ko naman po sa inyo sir! maalam rin ako sa paglilinis ng bahay, saka, marunong akong mag-alaga ng mga halaman!"

  Magkadikit ang mga palad ko habang sinasabi ko iyon. Hindi ko hahayaan na mapaalis ako sa bahay na ito. Kahit sigurado naman ako na hindi ako magkakagusto sa kaniya, kailangan ko pa rin na pagbutihin ang trabaho dahil baka palayasin niya ako dito kapag pumalpak ako.

  "Hindi ko pinapayagang may pumuntang ibang katulong sa garden. Ako mismo ang nag-aalaga ng mga bulaklak kaya't huwag kang pupunta doon."

  Ano?

  Bakit? doon ko nga gustong pumunta!

  Pero hindi ko inaasahan na marunong siyang mag-alaga ng halaman. Sandaling natigil ako nang marinig iyon sa kaniya. Iba ang epekto sa akin ng lalakeng mahilig sa mga halaman.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now