Chapter 58

3.4K 50 5
                                    

Pennie: Hello po! baka gusto ninyo rin basahin ang Three Month Agreement? 36 chapters updated na po 'yon, halos kasabayan sa update nitong TBP. Thank you so much po!


-------

Luther asked me twice if I am sure. Wala na akong pag-aalinlangan. When I nodded we went out of the restaurant. Kahit gabi ay wala na akong pakialam. I wanted to see Rozzean. Nag-aalala ako at hindi ako mapapakali kung hindi ko pa siya makikita ngayon.

It was my fault that he was hurt. Lahat ng nangyari sa kaniya nang nakaraan, tungkol sa kanilang pamilya, ang pagkakagalit nila ng kaniyang ama dahil lamang sa pagmamahal niya kay Tali at ang pagkakalagay sa alanganin ng kumpanya niya nang kausapin niya si Daddy.

Lahat ng ginawa niya ay dahil sa pagmamahal niya kay Tali Dela Cruz--ang pekeng katauhan na binuo ko para lamang mahanapan siya ng hindi magandang pag-uugali upang hindi matuloy ang aming kasal.

"Did you see him, Luther? pinuntahan mo ba?" tanong ko.

Kabado at nanginginig ang aking mga kamay habang nakatingin kay Luther na nagmamaneho.

"No, kanina ko lang nalaman ang tungkol sa nangyari, Thaliana. Can you calm down? manang said that Cyron is okay, nagpapahinga lang dahil sa pilay na natamo."

How will I calm down? kasalanan ko kung bakit naaksidente si Rozzean.

"Anong oras tayo makakarating sa bahay niya? can you find a shortcut? what if he's not really okay, Luther? Rozzean is the kind of--"

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Luther kaya napatigil ako sa pagsasalita. Iginilid niya ang kaniyang sasakyan tapos ay tumingin sa akin.

"B-Bakit ka huminto?" tanong ko.

He was looking at me seriously.

"Hindi tayo aalis hangga't hindi ka kumakalma. I already said that Cyron is fine, Thaliana. May pilay ang paa niya at mga galos pero bukod doon ay walang malalang nangyari. Bakit hindi ang pagtatapat mo ng katotohanan sa kaniya ang isipin mo ngayon?"

I know that saying the truth will never be easy and preparing myself will not help me in the end. Sa oras na makaharap ko si Rozzean, ang lahat ng inihanda ko at sasabihin ko ay tiyak na mawawala at kung ano lang ang pumasok sa isipan ko ay iyon lang ang masasabi ko.

Nang makita ko sa mga mata ni Luther na wala nga siyang balak na paandarin ang sasakyan kung hindi ako kakalma ay hinawakan ko ang braso niya.

"Let's go, please? I am worried, you can't blame me. It's my fault that he got into an accident. Tara na, please... Luther."

Pinalis ko ang luha na kumawala sa aking mga mata. Luther looked away and then he started the car again. Tahimik ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Luther was asking me if I am okay and all I can respond was a nod.

Nang marating namin ang Tagaytay ay huminga ako ng malalim. Ang lakas ng tibok ng puso ko. I wanted to see Rozzean. I am worried, nervous, scared. Gustong-gusto ko na siyang makita wala pa man oras nang makaalis kami ni Maki noong gabing iyon tapos malalaman ko pa na naaksidente siya ng dahil sa akin.

Wala na rin akong pakialam kung ano ang mga masabi ko sakaling magtapat ako ng totoo sa kaniya.

Pero sa lahat ng nararamdaman ko, nangingibabaw ang pag-aalala.

Narating namin ang village. Nang nasa harapan na kami ng bahay ni Rozzean ay naunang bumaba si Luther. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kaniyang sasakyan. I was nervous. Sobra. Pero gusto ko siyang makita kahit ang maaaring matanggap ko ay galit niya.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now