LAST CHAPTER

5.2K 100 42
                                    

Pennie: Thank you so much everyone! Ito na po ang last chapter! See you sa next story here on wattpad!

After 6 years

We are outside of the room. Birthday ni Rozzean ngayon at nag-bake ako ng cake para sa kaniya. I looked at my triplets. Their pointer finger was on their mouth. Sinabi ko kasi sa kanila na huwag maingay.

Nakasunod sa amin ang mga alaga kong aso at pusa. I am thankful na wala sa mga anak ko ang may allergy sa mga hayop. At nakuha pa nila ang pagkakagusto ko sa mga ito. Thalia always play with Rose. Si Rozwell at Rockwell naman ay sa mga aso.

Nang tumahol si Lily ay ngumuso si Rockwell dito na kaagad naman ikinatigil ng aso namin.

"Mommy, magugustuhan naman kaya ni Daddy itong surprise natin?" bulong niya.

"I think?" sagot ko kay Taki at sinindihan ko na ang kandila sa cake.

Nang buksan ko ang pinto ng silid namin ni Rozzean ay dahan-dahan kaming pumasok. Takip-takip ng aking mga anak ang kanilang mga bibig upang hindi makagawa ng ingay. My husband is still sleeping. Nakadapa siya sa kama at kita ang hubad niyang likod.

"Shhh, Rockwell!" sita ni Rozwell sa kapatid.

My triplets are not identical. Pero itong si Rozwell at si Rockwell ay hindi nagkakalayo ang itsura sa isa't-isa.

"You two, stop," sabi naman ni Thalia sa mga kuya nito.

Napangiwi ako. Para talagang ang anak kong babae ang panganay sa kanilang tatlo.

I went to Rozzean. Humilera ang aking mga anak sa aking gilid at tiningnan ko sila.

"3...2...1!"

"Happy birthday, Daddy! Happy birthday, Daddy!"

Their cute tiny voices echoed inside of our room. Nakita ko na gumalaw si Rozzean. Lumitaw ang ngiti sa kaniyang mga labi at unti-unting bumangon. Inabot rin niya ang puting t-shirt sa gilid at isinuot. Nang makita ng mga anak ko na gising na ang kanilang Daddy ay tumalon sila sa kama at yumakap sa kanilang ama.

I looked at Taki beside me.

"And you? go to your Daddy."

Ngumuso siya, "Mom, malaki na po ako."

Kinurot ko siya ng mahina sa pisngi, "But you are still our first baby! walang malaki-malaki na, hala, go to your Dad and give him a kiss."

Inilahad ni Rozzean ang kamay at niyakap rin si Taki. Nang tumingin sa akin ang aking asawa ay ngumuso siya. I walked near him and bent down for a kiss.

"Thank you, baby... this is unexpected. Also a great way to celebrate my birthday. Pero mas masaya pa rin iyong kaninang madaling araw," sabi niya at kinindatan ako.

Umikot ang mga mata ko. Walang kapaguran! talagang inabot kami ng ilang oras!

"Daddy, we have a surprise at the--hmmm!" napatingin ako kay Rockwell at Rozwell. Takip-takip ng aking panganay ang bibig ng pangalawa kong anak.

"You are so talkative. It's a secret," sabi naman ng bunso kong si Thalia.

Napailing ako. Hindi naman sila nag-aaway madalas pero kapag nangyari ay ang nagiging referee ng dalawang lalake ay si Thalia. She's also the peace maker kahit anim na taong gulang pa lang ay napakarami na ring alam.

"Let's go out and have breakfast? since nadulas na si Rockwell na may surprise kami sa 'yo ay bumaba na tayo para puntahan iyon."

Tumango si Rozzean at sabay-sabay kaming bumaba. Nasa likod niya si Rockwell at nakakapit naman sa kaniyang kamay si Rozwell. Habang hawak ko si Thalia sa isang kamay at si Taki sa kabila.

The Billionaire's PlaymateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora