Article XCI

1.8K 29 1
                                    

“WHAT THE HELL MIKE?!” sigaw ni Ruth sa nagulat na si Mikel.

Napapikit naman ako ng mariin. That was close.

Tumayo naman si Mikel at nilapitan ang namumula s agalit na si Ruth.

“Ruth.. listen... hindi na natin kailangang gawin to. Hindi ko kayang makita na nasasaktan si Red.. Please Ruth.. I’m begging you.. Let’s stop this..” pagmamakaawa ni Mikel sa nanlalaki ang mga matang si Ruth.

Napaawang naman ang mga labi ni Ruth saka umiling na parang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Lalapitan sana sya ni Mikel pero iniharang nya ang mga kamay.

“Mikel.. Ang tagal nating hinintay yung pagkakataon na to. And now you’re telling me to back off?! Fuck you pero hindi!” nanlilisik ang mga matang sigaw nito.

Sa di kalayuan ay may naaninag akong mga anino na pumasok sa loob ng warehouse kung saan nandoon kami.

“I think they’re here.” Bulong ko kay King jabang nagtatalo pa rin si Ruth at si Mikel.

“Yeah, let’s just hope for the best.” Tugon naman nya sa akin.

Hinawakan ko namang muli ang mga kamay nya nang mapansin kong nakalagan na pala ako kanina ni Mikel. Dahan dahan kong tinanggal ang natitirang buhol ng lubid sa kamay ko at unti unti ko ng tinanggal ang pagkakatali ng kamay ni King.

Saktong pagkakatanggal ko ng tali sa kamay ni Mikel ay bumaling na sa aming muli si Ruth na nagliliyab ang mga mata.

“Patayuin nyo na yang dalawa na yan. Tapusin na natin to.” Maririnig mo sa boses nya ang galit at lungkot. Ayokong maramdaman to pero natatakot ako para sa aming dalawa ni King.

Agad naman kaming nilapitan ng mga kasamahan nya at marahas kaming pinatayo. Napakunot ang noo ko sa sakit na naramdaman ko ng tumayo ako.

Nakita ko ang pagpalag ni King sa humahawak sa kanya dahil sa nakita nyang reaksyon ko.

“Mga gago! Hawakan nyong mabuti!” sigaw ng tatay ni Mikel.

“Any last wishes?” nakangising wika ni Ruth. Saka nya itinutok sa sentido ko yung baril na hawak nya. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. No!

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon