Article XX

2.5K 50 0
                                    

Hindi ko alam kung nagmumukha na kong tanga sa paningin nila o hindi. Kanina pa ko tulala mula nang makita ko yung tatay ni King. He really looks familiar pero hindi ko na matandaan kung saan ko sya nakita in the past. At hindi sya nakakatakot. Yes, he looks like a real authority pero hindi yung tipo na iiwasan mo. Sya yung tipo na alam mong madaling lapitan. Why? Lagi syang nakangiti. And I’m confused. I really do.

“Hey. You’re not eating. Hindi mo ba nagustuhan yung inihanda ko?” malambing na tanong sa akin ng Mommy ni King.

Ngumiti naman ako sa kanya kahit alam kong pilit.

“No. No.. nagustuhan ko po. Pasensya na po medyo sumama lang po yung pakiramdam ko.” Pagdadahilan ko na lang. Eto pa ang isang weird na pakiramdam. Parang kilalang kilala na nila ko especially si Tita Elora, gusto nga nyang Mommy na rin ang itawag ko sa kanya pero sobrang nahihiya ako at hindi ko magawa. Hindi naman nya ko pinilit at aniya’y masasanay din naman ako paglipas ng panahon. Pero naisip kong mas mabuti ng hindi ako masanay dahil hindi rin naman magtatagal yung kung anong meron kami ni King. Misyon lang to. No feelings attached.

Pagkatapos ng pananghalian ay niyaya ako ni King sa greenhouse nila sa pinaka-roofdeck ng bahay nila, sabi nya’y doon na lang daw muna kami magpahinga at mukhang sumama raw talaga ang pakiramdam ko.

“What’s wrong Red? Ok ka naman kanina ah? Gusto mo ba ng gamot?” nag-aalala nyang tanong sa akin.

“Hindi na. Baka kulang lang sa tulog.” Sagot ko naman sa kanya.

Nakarating na rin kami sa greenhouse na siansabi nya at namangha naman talaga ako sa nakita ko. Bukod sa iba’t ibang uri ng bulaklak ay may mga paru-paro rin ditong malayang dumadapo sa kung saan saan. This is like a paradise at the top of a house.

“This is amazing.” Usal ko.

“Nagustuhan mo?” nakangiting tanong sa akin ni King.

Sunod sunod naman ang naging pagtango ko sa kanya. Why not? I love flowers!

“I’m glad you liked it. Hobby ni Mom ang pagtatanim ng mga bulaklak. See? Halata naman diba?” nakangiti nitong sabi sa akin.

“Halika.” Aya nya sa akin saka nya ko hinawakan sa kamay at iginiya sa pinakasentro ng greenhouse kung saan may malaking pabilog na higaan na nakalatag.

Napangiti na naman ako ng tuluyan ng makita ko yon.

“Pinaghandaan mo talaga to ah?” tukso ko sakanya.

“Ay. Hindi pa ba halata?” sagot nya saakin.

Natawa naman ako sa sinabi nya na iyon. Napakaganda nyang pagmasdan habang nakangiti. Parang wala syang problema at kaya nyang gawin lahat ng gusto nyang gawin. Alam kong ako ang dahilan ng lahat ng ito. Too bad, ako rin ang magiging dahilan ng paglaho ng lahat ng ito.

Sandali akong napatulala sa kanya hanggang may inilagay syang kung ano sa sulok ng tenga ko.

“There. I’ve always dream of picking up a flower and putting it on the ear of my favorite girl in the world. You’re beautiful. And I really love you.” Madamdamin nyang wika sa akin.

Nginitian ko naman sya at niyakap ng mahigpit.

Hindi ko sya kanyang tingnan sa mga mata habang sinasabi ko ang pinakamalaking kasinungalingan na maririnig nya.

“I love you, too.” Naramdaman ko namang mas humigpit pa ang pagkakayakap nya sa akin. I’m sorry King.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon