Article II

8.8K 151 1
                                    

“Kakaiba sya Supremo.” Isang nangingilag na tinig ang bumasag sa katahimikan ng lugar na iyon.

Unti unti namang lumingon sa gawi nya ang pinakamataas at pinakamakapangyarihan sa kanilang lahat.

Napayukod naman silang lahat waring natatakot masalubong man lang ang nagyeyelong mata ng kanilang tinitingala.

“Magaling kung ganon. Kailangan natin ang lapastangan na tulad nya. Paano tumakbo ang inyong usapan?” nakakatakot ang tinig na tugon nito.

“Sinabi ko pong padadalhan na lamang natin sya ng liham kung magpapatuloy sya sa susunod na pagpupulong o tahimik na lamang syang aalis sa teritoryo natin.” Magalang na sagot nito.

“Ipadala sa kanya ang pinakamagandang liham na maari nating ibigay sa isang espesyal na aplikanteng katulad nya.” Sumimsim naman ito ng mapait na likidong nakalagay sa isang mataas na basong parang naghuhumiyaw kung ano ang katayuan nya sa organisasyon nilang iyon.

“Masusunod Supremo.”

Isang mahinang tango lamang ang kanyang itinugon sa mga ito bago parang isang mabilis na kidlat na nawala ang mga ito sa kanyang harapan.

“Malapit na rin tayong magharap Del Valle.”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon