Article LXX

2K 39 1
                                    

(Thank you for reading guys! Hindi ko inexpect pramis!♥♥)

Halos wala na kong makita sa dinadaanan ko dahil sa luhang walang lubay sa pagpatak mula sa mga mata ko. I swear kapag namatay ako ngayon, mumultuhin ko silang lahat!

Naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong para na kong tanga. Eto ba yung sinasabi nilang OA?!!

Walang patid din sa pagriring ang cellphone ko simula nung mag-walk out ako kanina pero hindi ko man lang yun hinawakan imbes ay tinitigan ko pa yun ng masama na para bang gusto ko ng maging abo na lang iyon.

Nag-iisip pa rin ako kung dapat ba kong magpadala sa mga nararamdaman ko ngayon. Pero ilang araw na kong binabatrip ni King at punong puno na ko sa mga laro nyang walang kwenta.

Natanawan ko na rin naman ang engrandeng entrada ng Edzreal at matapos kong i-park yung sasakyan ko ay dali dali na akong umakyat sa unit ko ng hindi dinadala yung cellphone ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa condo ko ay humilata na agad ako sa may sofa sa sala ko at hindi an ako nag-abala pang hubarin ang suot suot kong gown. Nagulat pa ko nung tiningnan ko yung paa ko at nakita kong hindi ko na pala suot yung pumps ko. Siguro naiwan ko sa loob ng sasakyan ko o baka sa parking ng school ko. Di bale, babayaran ko na lang kay Ate Chi yun.

Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako at nagising na lang ako na nakahiga na ko sa kama ko. Napabalikwas naman ako ng gising at nakita ko si King na nakahiga sa may sahig ng kwarto ko.

Mukha syang pagod na pagod. Dahan dahan ko naman syang nilapitan at umupo ako sa may tabi nya. Medyo nahirapan pa nga ako dahil naka-gown pa rin ako hanggang ngayon. Napangiti naman ako kahit ayaw ko. Buti at hindi nya naisipang bihisan ko. Ay! Punyetang utak yan! Napakalaswa! Saka ko naman kinatukan yung ulo ko ng sobrang lakas.

“Araaaay.” Daing ko. Sukat noon ay bigla na lang napabalikwas ng bangon si King at binalingan agad ako.

“Alin ang masakit? Anong nangyari?” natataranta nyang tanong sa akin habang tinitingnan nya yung noo kong hawak ko. Napatitig naman ako sa kanya. Namumula yung mga mata nya at sobrang gulo ng buhok nya. I swear, mukha syang adik sa kanto. Oo, gwapo sya. Pero hindi sa pagkakataon na to. Akala siguro ng marami laging perfect ang mga nagaganap sa aming mga tauhan pero nagkakamali kayo. Gusto kong sirain lahat ng pangarap nyo. Napangisi ako. Confirmed. Baliw na ko.

“Walang masakit.” Sagot ko sa kanya sabay tayo.

Nanatili naman syang nakaupo sa sahig ng kwarto ko. Akala siguro nya nagka-amnesia na ko at nakalimutan ko na lahat ng katarantaduhang pinaggagagawa nya sa akin.

“Red...” malambing nyang tawag sa akin. Pumwesto naman sya sa likuran ko at niyakap nya ako mula roon. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil mapapaungol talaga ako sa sensasyong dulot ng pagkakadaiti ng mainit nyang singaw sa hubad kong likod. Backless nga pala yung gown ko.

Nang hindi ako nagsalita ay unti unti nyang pinapaulanan ng mumunting halik ang tenga ko pababa sa may leeg at balikat ko. Napapikit naman ako sa ginawa nya. Damn. Ano bang ginagawa ni King sa akin?

“Red.... sorry na...” wika nya habang patuloy pa rin ang paghalik nya sa likuran ko.

“Hmmmm..” hindi ko na napigilang ipahatid sa kanya na nagugustuhan ko yung ginagawa nya. Packing tape!

Mas naging masuyo naman yung halik nya dahil alam nyang nagugustuhan ko yung ginagawa nya and this time, iniharap na nya ako sa kanya.

“Am I forgiven?” nakangiti nyang tanong sa akin. Napatingin naman ako sa mapula nyang labi.

“Pinapatawad mo na nga ako.” Utas nya bago sakupin ang mga labi ko.

Palalim na ng palalim ang mga halik nya sa akin nararamdaman ko na rin ang paglilikot ng mga kamay nya.

“S-Sandali...” wika ko at lumayo ako sa kanya.

Napatigil naman sya at parang nababanas na nakatingin sa akin. “Bakit?”

“Magbibihis lang ako.” Sagot ko saka na ko tumakbo papuntang CR.

Napakalakas ng tibok ng puso ko nung sumandal ako sa nakasarang pintuan ng CR ko.

Pinatawad ko na ba sya? Bakit parang nalusaw lahat ng inis at galit ko sa kanya nung nagising akong nasa kwarto ko na sya?

Hinubad ko na naman yung suot kong gown at saka na ko tumapat sa shower.

Napamura ako nung magbibihis na ko ng makita ko yung pinaghubaran kong panloob ko.

I’m sorry King. Pero sa sahig ka pa rin matutulog.

I GOT MY PERIOD. ><

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon