Article LXXXIII

1.8K 35 3
                                    

RED’S POV

Nginisihan ako ni Ruth habang hawak hawak ako ng mga lalakeng miyembro nila.

“Akalain mo nga namang nagkaharap tayo ulit? Ha? Red Del Valle?!” mas ngumisi pa sya sa akin na dahilan ng lalo pang pagkakakunot ng noo ko.

“Anong pakiramdam ng malapit ng mabura sa mundo? Kinakabahan ka na ba?” saka pa sya tumawa na para bang nababaliw.

Nginisihan ko naman sya.

Napakunot naman ang noo nya saka nya ko nilapitan para hilahin pataas ang buhok ko. Masakit, oo. Pero hindi ko iyon dapat ipakita sa kanya.

“Aba’t nakukuha mo pa talagang ngumisi?!” inis na wika nya.

“Mamatay na ko di’ba? Hindi ba dapat lang na magsaya na ko?” nanunuya kong sagot  sakanya.

Inihagis naman nya sa ere yung buhok ko at syempre kasama na dun yung buo kong ulo. Sumabog na yung lahat ng buhok ko sa mukha ko pero hinawi ko lang yon sa pamamagitan ng pagbiling ng ulo ko.

“Mamamatay ka na nga ang tapang mo pa rin.” Nanunuya nitong usal.

Nginisihan ko naman sya. Walang kwenta makipagusap sa babaeng to.

“Paano kaya kung unahin naming pahirapan sa harap mo si King? Matapang ka pa rin kaya?” mala-demonyo nyang wika.

Napailing ako. Ako na lang saktan nila, wag lang si King.

AUTHOR’S POV

“Kapag hindi ka pa rin nakalabas within 5 minutes, papasok na kami.” Wika ni Rafa na inaayos ang pagkakapusod ng mahaba nyang buhok.

Napatango naman si King sakanya.

“Marami tayong dalang back up. Maililigtas natin si Red. wag kayong mag-alala.” Pagpapalakas ng loob na dagdag pa ni Rafa.

Tahimik lang naman silang nakikinig dito.

“Mag-iingat ka.” Saka na niyakap ni Rafa si King habang isinuksok naman ni Draven ang isang kalibre 45 sa bewang ni King.

“Kung sakali mang hindi na kami makalabas ni Red...” pagsisimula ni King.

“Shhh!” inis na putol sa kanya ni Mirai.

“Walang mapapahamak, ok?! Tinawagan ko na si Tito Troy pati yung Kuya ni Red. They are on their way now. Walang masasaktan sa atin. Naiintindihan mo?” halata ang kaba sa boses ni Mirai habang nagsasalita.

Napatango na lamang si King sa kanila. At sa unang pagkakataon, umusal sya ng isang maikling panalangin sa Panginoon.

Lord. Alam kong hindi ko kayo madalas kausapin pero protektahan mo kami sa kapahamakang nakaabang sa amin. Lalong lalo na si Red Lord. Ibinibigay ko na sa’yo ang buhay namin.

 

And with that. Pumasok na ng dahan dahan si King sa loob ng warehouse kung saan nandoon si Red.

Padating na ko Red.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon