Article XXVIX

2.1K 49 2
                                    

Malayo pa lang ako ay nakikita ko na sila King na nasa veranda ng bahay nila Mirai. Mukhang nag-iinuman sila habang nakatingin naman sa kawalan si King na may hawak na beer sa may kamay.

Nasa may tarangkahan na ko ng mapansin ako ng isang kabarkada ni Draven.

“Oh! Ayan na pala si Red e!” sigaw nya dahilan para bumalikwas ng tayo si King mula sa kinauupuan nya at dali dali akong sinalubong.

Hinablot nya agad ng mahigpit ang kamay ko habang nakasabunot sa buhok nya ang isa pa nyang kamay.

Kitang kita ko kung paano namumula yung mga mata nya. Nag-alala kaya sya sakin?

“FUCK! SAN KA BA NAGPUNTA? GANYAN KA BA TALAGA HA?! HINDI MO BA ALAM NA HALOS LAHAT KAMI DITO HINDI MAPAKALI SA KAKAHANAP SA’YO?! ANO?! HINDI KA BA TALAGA NAG-IISIP? GUSTO MO BA TALAGANG PINAG-AALALA YUNG MGA TAO SA PALIGID MO? WOW!” pambungad nya sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko habang tinitingnan ko sya kung gaano sya kagalit sa akin kung paano nya bitawan ang mga maaanghang na salitang binabato nya sakin. Biglang nanginig ang mga labi ko at kasabay nun ang pag-init ng sulok ng mga mata ko.

“Pare!” sigaw ni Mirai at lumapit na samin.

Lalo namang humigpit ang pagkakahawak sa akin ni King.

“A-Aray.. Nasasaktan ako King..” daing ko sa kanya.

Pero parang wala syang narinig at nagsimula na naman akong sigawan.

“PUTANGINA NA YAN! HINDI LANG KITA NAPUNTAHAN AGAD NAG-WALK OUT KA KAAGAD?! HINDI MO BA NAISIP NA BAKA MAS NASAKTAN LANG NAMAN SI JOYCE SA’YO? PUPUNTAHAN NAMAN  KITA AH! NAGHINTAY KA LANG SANA! FUCK!” unti unti namang tumulo ang mga butil ng luha  mula sa mga mata ko.

“PARE ANO BA! NASASAKTAN SI RED!!!” sigaw ni Mirai saka ako inagaw mula sa pagkakahawak ni King. Nagsimula naman akong humagulgol nang yakapin ako ni Mirai. Bakit ang sakit sakit? Ganun ba talaga yung tingin nya sa kin?

“Sshhh..” sabi naman sakin ni Mirai habang hinahagod yung likod ko.

“R-Red..” nanginginig namang tawag sakin ni King.

Pero imbes na tingnan sya ay mas sumubsob ako sa dibdib ni Mirai. Natatakot ako.

“R-Red.. S-Sorry.. Sorry...” nagpapanic na wika ni King. Hinawakan nya ang kamay ko at kinuha ako mula kay Mirai at niyakap ako ng mahigpit.

Mas lumakas naman ang hikbi ko ng niyakap nya ko ng sobrang higpit.

“Sorry na.. Shhh.. N-Nag-alala lang talaga ko ng sobra sa’yo kaya ko nasabi yun. Pero hindi yun totoo.. binabawi ko na.. Sorry Red.. Bave...” mahina nyang sabi sa akin. Nanatili lang akong nakasubsob sa dibdib nya habang panay naman ang hagod nya sa likuran at halik sa buhok ko.

“FUCK..” nagulat naman kaming lahat ng magmura si Mirai at ibalibag yung isang upuan nila sa buhanginan at padabog na pumasok sa loob ng bahay nila.

“Look at me Bave... I am really sorry..” sincere na wika ni King sa akin. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at iniharap ako sa kanya.

“Di ba sabi ko naman sayo na mababaliw ako kapag nawala ka sakin? Halos mabaliw ako kanina Red nung umalis ka! Alam kong nagpakagago talaga ako kanina nung unahin kong puntahan si Joyce kaysa sayo. Nasanay kasi ako nung mga bata kami na ayaw ko syang nasasaktan pero dapat talaga ikaw yung inuna ko. Sorry talaga..” utas nya saka nya pinaghahalikan ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko.

Narinig ko naman ang pagtawag ni Draven sa pangalan ni Joyce na tumakbo papalayo sa aming dalawa ni King.

This is getting dramatic.

(an/ Sorry for the curses.)

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon