Article XXXVI

2.1K 46 1
                                    

KING’S POV

Ang layo naman ng pinag-utusan sakin ni Dad. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Kakadating ko lang galing sa kumpare nya na dinayo ko sa ikalawang bayan mula sa bayan namin. Ewan ko kung anong laman ng envelope na ‘to. Nakakainis. Hindi ko tuloy naihatid hanggang condo nya si Red.

Nag-aya pa kasing pumunta ng Mini Stop e. Lugar na ang sarap sarap na ng pagkakayakap ko sakanya. Nakakainis. Napapangiti na naman ako mag-isa e! simula nung naging kami ni Red, para na kong baliw na ngumingiti mag-isa. Alam mo yon? Parang tanga lang. Wala e, tinamaan talaga.

Speaking of  Red, kanina ko pa hindi natetext yon. Malamang nag-aalala na sakin yon. Teka nga.

“Uy pare!” tawag sa akin nung isang lalaki sa may harap ng bahay namin.

Napakunot naman yung noo ko, isasara ko pa lang sana yung gate dahil nga kakadating ko lang. Tsk. Anak ng. Hindi ko pa natetext si Red!

“Bakit?” tanong ko sakanya.

“Di’ba girlfriend mo yung lagi mong kasama na mahaba yung buhok na medyo morena?” tanong nya sakin. Bigla naman ang pagbundol ng kaba sa dibdib ko.

May nangyari ba?

“Oo.” Lalo namang lumalim ang pagkakakunot ng noo ko sa tinanong nya.

Nakita ko naman kung gaano namutla yung mukha nya habang minura nya yung katabi nya.

Napasugod naman ako sa kanila at agad ko syang kinuwelyuhan.

“Anong ginawa nyo sa kanya?” madiin kong tanong sa lalaking hawak hawak ko.

“P-Pare.. wala kaming ginawa. B-Bitiwan mo muna ko. Hindi ako makahinga.” Natatakot namang sabi nito sa akin.

Binitiwan ko naman agad sya at matalim ang tingin na tiningnan ko sya.

“Putangina! Ano bang nangyari?” hindi ko napigilang bulyaw sa kanila.

“Nakita namin kasi sya kanina, dun sa kanto malapit sa Edzreal. Lalapitan sana namin kasi lumakas yung ulan tapos nababasa na sya nang biglang  may humablot sa kanyang mga lalaki tapos pinilit syang isinakay sa isang van.” Mabilis na paliwanag nito sa akin.

Sukat noon ay para akong nabingi sa sinabi nya.

S-Si Red? Shit... anong nangyari kay Red?

“N-Nasaan sya?!” nanginginig kong tanong sa kanila.

“Hindi namin alam King. Sinubukan naman namin silang habulin pero masyadong mabilis yung takbo nung sasakyan nila pati madulas yung daan.”

Napasabunot naman ako sa buhok ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung mababaliw na ba ko sa sinabi nila o ano.

Kaagad ko namang idinial yung number nya at kaagad naman itong nag-ring.

Pagkaraan ng ikatlong ring ay nawawalan na ko ng pag-asa ng biglang may sumagot sa kabilang linya.

Una ay ungol lang ang naririnig ko hanggang unti unti na itong luminaw sa aking pandinig.

“K-King..” nanghihinang tawag sa akin ni Red.

Nanlambot naman ang tuhod ko ng marinig ang daing nya.

“N-Nasaan ka? Pupuntahan  kita!” natataranta kong wika sa kanya habang sumasakay na ako sa sasakyan ko.

“E-Edzreal..” mahina nyang tugon bago naputol ang linya.

Shit. Mauuna akong mamatay bago si Red. Makipagpustahan pako sa demonyo.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon