Article X

3.6K 68 1
                                    

Isang buwan.

Sobra pa yan. Kailangan ko lang makipagkaibigan sa tadhana para umayon lahat ng mangyayari sa plano ko. Mula sa pagkakaupo sa taas ng puno ay inilabas ko ang cellphone ko at nagsimulang pumindot doon.

Nakakaisang ring pa lang ay sinagot na ito agad ng maaasahan kong utusan. Napangisi ako. Sya naman ang nagsabi sa akin na pwede ko syang tawaging utusan. Hindi ko alam kung trip ba ko ng lalake na to o malakas lang talaga yung saltik nya sa ulo.

“Hey! Himala ata?! Napatawag ka?! Miss mo na ko?!” sunod sunod na wika nito.

“Naayos mo na yung pinapagawa ko?” sagot ko sa kanya at hindi pinansin ang mga pasaring nya.

“Ouch.” Arte nito na parang nasaktan talaga.

“Mirai.” Banta ko sa kanya.

“Oo na nga. Nagawa ko na. pwede ko ba namang hindi gawin agad yun kung alam kong hindi ka magdadalawang isip na gulpihin ako kapag tumawag ka at nalaman mong hindi ko pa inasikaso?! Aba! Mahal ko pa naman yung buhay ko!”

“Magaling kung ganon.” Saka ko na pinutol ang tawag. Nakakairita minsan kung kadaldalan nya. May sasabihin pa yan kung hindi ko pa pinutol yung tawag.

Agad agad naman akong tumalon mula sa taas ng puno at nagsimula ng maglakad papunta sa klase ko. Magkikita na tayong muli future Frat Master.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon