Article LXXVII

1.9K 34 1
                                    

"Yung babae kanina.. nakalimutan ko yung pangalan nya. Yung nakasuot ng color black na tube top." Panimula kong sabi kay Mikel.

"Oh? Anong meron kay Ruth?" tanong nya sakin.

"She's.... weird." Mahinang sabi ko naaalala ko pa kasi kung paano nya ko tingnan kanina. Parang galit sya sakin pero wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Ahh.." natawa naman si Mikel bago magpatuloy sa pagsasalita. "Ganon talaga yon. Masanay ka na dun. Masunget na suplada. Mas mabait kang di hamak don." Wika nya sa akin. Napatango na lag ako pero sa totoo lang hindi pa rin ako mapakali. Kailangan ko sigurong kausapin sila Mirai. Hindi maganda yung pakiramdam ko.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad kong dinial yung number ni Mirai.

"Hey.." bati nya sa akin nung sagutin nya yung tawag ko.

"Hello." Wika ko naman.

"Buti naisipan mong tumawag? Anong atin?" tanong nya sa akin. Halata sa boses nya yung pagtatampo sa akin. Dahil na rin siguro sa hindi na ko masyadong sumasama sa kanila. Kung gusto kong mag-move on kay King, nararapat lang naman na lumayo ako sa mga taong malapit sa kanya diba? Pero once again, miyembro pa rin ako ng fraternity nya at wala akong choice kung hindi patuloy na magkaroon ng kaugnayan sa buhay nya.

"Sorry na..." nasabi ko na lang. narinig ko naman yung pagbuntong hininga nya sa kabila.

"Naiintindihan naman namin na gago talaga si King pero ba't pati kame damay? Ang unfair naman!" pagmamaktol nya sa akin. Napangiti naman ako, si Mirai talaga yung klase ng tao na hindi marunong magalit.

"Hindi ko rin naman gusto na layuan kayo e. Naging busy lang ako. Uhhh. Busy ka ba?" tanong ko sakanya.

"Kelan pa ko naging busy pagdating sayo? Saan ba?" tuluyan na naman akong napangiti sa sinabi nya na yon.

"So?" tanong sa akin ni Mirai habang umiinom ng Green Apple Mcfloat nya. Para talagang bata.

"There's this girl na parang kakaiba." Panimula ko.

"Whoa! Whoa!" sagot nya sa akin habang nanlalaki yung mga mata.

Binatukan ko nga. OA na naman ang ogag.

"Sandali nga! Hindi pa ko tapos e!" inis kong sagot sa kanya.

"Akala ko naman natomboy ka na." sagot nya sakin habang nangangamot ng batok.

"Patapusin muna nga kasi diba?" pinanlakihan ko na ng mata para manahimik na.

Itinaas naman nya yung dalawang kamay nya and mouthed 'ok'.

"So, as I was saying, merong ipinakilala sa akin si Mikel na weird na babae. Her name is Ruth. Bigla ko kasing naalala yung nakabanggaan natin nung nakaraan. Diba yung isa nating miyembro halos patay na nung abutan natin dahil sa bugbog? And nung icheck natin yung CCTV, babae yung nakita natin? Naresolba na ba yung kaso na yon ?" tanong ko sa kanya.

Nagseryoso namang bigla si Mirai, parang malalim ang iniisip.

"Kami nga yung nag-imbestiga sa kaso na yon." Umiling naman sya sa akin. "Nung pagkakita natin ng CCTV footage, iyon na yung last dahil hindi na ulit narecover yung data after that parang nag-self destruct yung file. Kahit kami nagtataka kung paano nangyari yon pero parang nakaplano talaga lahat ng pangyayari."

Napakunot naman yung noo ko. Kinabahan aong bigla. May problema ata kami?

"Anong nangyari sa kapatid natin na nabugbog?" tanong ko na lang.

"Traumatize. Nag-aundergo pa rin ng theraphy. Kahit sya hindi nya madescribe kung sino yung babae sa video. Parang pinagdrugs sya nung gabi na yon kaya wala syang matandaan."paliwanag nya sa akin.

"Sinong pwedeng gumawa nun?" mahina kong tanong sa sarili ko.

"Mahirap magturo pero iisa lang naman ang kalaban nating grupo." Seryoso nyang sagot sa akin.

"Gamma Delta Phi. Ang kaisa isang karibal ng fraternity natin."

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon