Article XCVIII

1.9K 35 2
                                    

Nagising ako sa walang patid na pagtunog ng telepono sa gilid ng kama ko. Tinatamad kong inabot yon at inangat habang hindi na nag-abalang batiin man lang ang napakaagang nang-iistorbo sa pagtulog ko.

"Good morning Red!" Masigla nitong bati sa kanya.

Napaayos naman sya ng upo habang iniiipit sa magkabila nyang tenga ang mga takas na buhok na nakaharang sa mukha nya. Napalunok muna sya bago sumagot.

"Drave.." puno ng pagkamanghang usal nya.

"Kailangan nyo ng bumalik ni King dito." Excited nyang wika. There's something happening there, I know. I just know.

"Did they finally..." puno ng pag-asang tugon ko.

"Yes, Red! Mirai and Rafa were already awake! Hinahanap na nila kayong dalawa, so you better go back here now." Masayang wika nito.

"Oh, God. Thank you Lord." Mahina ko na lang na naibulong. Finally! After 2 freaking years!

Nagmamadali naman akong bumaba sa kama matapos kong makipag-usap kay Drave. Pinuntahan ko kaagad sa baba si King at sinabi ko ang magandang balita. Hindi na kami nagsayang pa ng oras at dali dali na rin kaming bumyahe pabalik ng Maynila.

Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali. Ito na ba yung hinihingi kong sign kay Lord? Kung saka sakali, gagraduate ba ko na iba na ang apeylido ko? Tiningnan ko si King sa gilid ko at kitang kita ko kung gaano sya kaseryoso sa pag-dadrive nya. Ang dami na naming napagdaanang dalawa. Ni hindi ko na maisa isa kung anu ano yung mga yon. Yung pagsunod ko sa kanya dati. Yung unang date namin. Yung unang gabi na magkasama kami, yung time na narealize ko na mahal ko na pala sya. Yung oras na sobrang nasaktan ko sya pero higit yung sarili ko. Yung paghihintay ko sa pagbabalik nya, pagpopropose nya. Yung pagpapaselos nya. He and his sickening acting. Napangisi ako. Ibinalik ko nga pala sakanya yung engagement ring na ibinigay nya sakin. Nasa kanya pa kaya yon? Handa pa rin kaya syang ibalik yun sakin at pakasalan ako?

"Malulusaw na ko Red." Nakangising basag nito sa paninitig ko sakanya.

Nginisihan ko naman sya. "Masaya lang ako."

Nilingon naman nya ako sabay hawak sa isa kong kamay.

"Ako rin. Ang tagal nating hinintay lahat to. And now we can finally start the new chapter of our lives." Makahulugan nitong wika sa akin.

Napayuko naman ako at napatingin sa magkahugpong pa rin naming mga kamay. His hands fits mine. Perfectly. Napangiti ako. I should plan a surprise for him. Kailangan kong bumawi sa lahat ng maling desisyon na nagawa ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay nya saka ko ito unti unting inilapit sa mga labi ko para halikan.

"I'm crazy in love with you, my King." Nakangiti kong sambit sa kanya.


"Same here, my Queen."

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon