Article LVI

2K 48 0
                                    

“Tama ba ‘tong nakikita ko?” maarteng tanong ni Mirai sa amin ni King habang nakatingin sa daliri kong may suot na engagement ring. Nakangisi naman si Drave habang umiinom ng apple shake nya.

“Congratulations!” bati ni Drave sa amin.

“Nagbibiro lang naman kayo diba?” malungkot na sabi ni Mirai.

“Do we look like we’re joking around?” nakataas ang kilay na tanong ni King.

Iningusan naman sya ni Mirai saka ako hinala mula kay King at inilagay nya ko sa likuran nya na para bang pinoprotektahan nya ako mula kay King.

Nag-high five naman sina Drave at King at pinagtawanan ang mga inaakto ni Mirai. Nagsindi ng sigarilyo si King pagkuwan at inalok si Drave pero tumanggi ito. Napakunot naman yung noo ko.

“Kelan ka pa bumalik sa paninigarilyo?” tanong ko kay King.

“Nung umalis ako.” Walang pakialam nyang sagot sa akin. Tumaas naman yung kilay ko sa sinagot nya.

“Tumigil ka na dati diba? Ba’t bumalik ka na naman?” tanong ko ulit sa kanya.

Pumalatak naman sya na parang naiirita at padabog na itinapon sa lupa yung sigarilyo at tumalikod na  sa amin.

“Papahangin lang ako.” Sabi nya bago umalis.

Napaawang naman yung labi ko sa naging reaksyon nya. Galit na sya non? Parang nagtatanong lang naman ako ah.

“Baka masama ang gising.” Pampalubag loob na sabi sa akin ni Drave.

Natahimik lang din naman si Mirai. Nakakunot yung noo nya na parang may iniisip.

Sinambit ko na rin naman yung mga gamit ko at nagpaalam na sa kanila.

“Punta lang akong library.” Paalam ko sakanila pero sa totoo lang nahihiya ako sa inakto ni King. Eto na naman yung pakiramdam na parang hindi na sya yung King na nakilala ko.

Ipinilig ko yung ulo ko. Ayokong mag-isip ng kung anu ano. Ayokong maging paranoid.

Naglalakad ako sa field nang bigla na lang akong nabangga ng tumatakbong estudyante.

What a day!

Naiiling na lang ako habang pinupulot ko yung mga nagkalat kong gamit.

“Naku. Sorry Miss.” Sabi naman nung nakabangga ko habang tinutulungan nya ko mamulot nung mga gamit ko.

Nagpatuloy lang naman ako sa pag-aayos ng mga gamit ko at nang matapos na ko ay akma na kong aalis nang hawakan nya yung braso ko.

“Red?” namamanghang wika nito.

Kumunot naman yung noo ko sa kanya. Sino ba to?

“Red Del Valle! Ikaw nga! Long time no see!” sabi nito saka ako niyakap ng mahigpit.

“Shit! Wait! Sino ka ba?” naiirita kong tanong sa kanya.

Lumungkot naman yung mukha nya. E sa hindi ko sya makilala e! Pinagmasdan ko naman syang mabuti. Matangkad sya, almost 6ft siguro, o 6ft na nga yata. Mestisuhin, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, mapulang labi. Saka may peklat sya sa may kilay nya.

Oh, don’t tell me.

“Mikel? Mikel Tiongson?! Oh my God I can’t believe it!”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Where stories live. Discover now