Article XC

1.8K 37 3
                                    

“Anong bang mga kalokohan yang pinagsasasabi mo?” anas ko kay King habang nakatali sya patalikod sa akin.

“Rafa thought of this plan. Kailangan ko silang idistract para makapasok sila. I am no hero Bave. Isa lang din ang buhay ko. Ayokong maililigtas nga kita pero hindi ko naman maililigtas ang sarili ko. I know you can’t live without me.” Mayabang na wika nya.

“A bit too conceited but I must agree.” Nakangisi kong sagot sa kanya.

Alam ko, malalagpasan din namin to. Kailangan lang naming maniwala.

Ilang minutong nawala si Ruth at ang tatay ni Mikel habang si Mikel naman ang naiwang nakabantay sa amin.

“S-Sorry.” Mahinang usal nya. Nagulat naman kaming pareho ni King sa pagsasalita nya.

Naramdaman kong inabot na pilit ni King ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon.

“Naiintindihan kita. Mahirap mawalan ng minamahal.” Napangiti ako ng mapait. Bigla kong naalala ang pagkamatay ng mga magulang ko. Ngayon ko lang napagtanto na halos wala rin kaming pinagkaiba ni Mikel. Di’ba nga ginamit ko rin si King para lang makuha ko yung gusto ko?

“Anong plano nyo sa amin?” mahinahon kong tanong sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya. Sya pa rin yung highschool student na nakilala ko nung nag-aaral pa ko. Gwapo. Makulit. Palangiti. Charming.di ko matanggap na magagawa nya to. But believe me, I understand him.

Natahimik sya. Tila tinitimbang ang mga sasabihin nya sa amin.

“A-Are you going to kill us?” nanginginig na tanong ko sakanya.

Napatingin sa akin si Mikel. Nanlalaki ang mga mata sa takot.

Bigla syang tumakbno papunta sa akin at niyakap ako.

Naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat nya sa katawan ko. He’s crying?

“Patawarin mo ko Red. Nabulag ako ng pagkamatay ni Mama. Pwede ko pa namang itama to diba?”

Bigla na lang ang pag-usbong ng pag-asa sa puso ko. Sunod sunod akong tumango sakanya.

“Kaya pa natin to Mikel. Pakawalan mo kami.” Diretso kong sagot sa kanya.

Agad naman syang kumilos at kinalas ang tali ng mga kamay namin.

“What the fuck Mikel?!”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon