Article XXVII

2.3K 51 5
                                    

Pagkatapos magmeryenda ng bandang alas-kuwatro ng hapon ay nagkayayaan ang buong grupo na maglaro ng beach volleyball. Tamang tama dahil hindi na gaanong masakit ang sinag ng araw sa balat pati malamig na rin ang simoy ng hangin dala na rin siguro ng nasa tabing dagat kami.

Naka-two piece na lahat ng babae pwera ako. Mas pinili kong isuot yung long sleeve body fitting swimwear ko at tinernuhan ko ng maiksing shorts, hindi ako komportable na ipinapakita yung mga bagay na dapat ako lang ang nakakakita. Nakita ko pang ngumisi si King nung makita nya yung suot ko. Mas nagustuhan pa nya yata yung hindi ko pagsusuot ng bikini. Oh, well. Pinagkibit balikat ko na lamang yun. Wala naman akong pakialam kung anumang iniisip nya tungkol sa akin.

Naghati naman muna kami sa dalawang grupo bago maglaro. Si Draven at Mirai ang nagsilbing captain ball ng magkabilang grupo at sinadya nilang paghiwalayin kami ni King dahil anila’y hindi na raw kami naghihiwalay simula nung makita nila kami. Nagkibit balikat lang naman ako sa kababawan nila at tiningnan ko ang nakangiting si Joyce habang tinitingnan ang nag-aasarang sila Draven.

She’s really inlove with King!

Well, sorry, sa witch nagmahal ang hari nya. Napangisi naman ako sa naisip ko na yon. Nagsimula na ang laro at lumamang agad ang grupo namin dahil sa team work namin ni Mirai. Si Joyce? Ok naman sya, mahinhin pero I must say na marunong din naman syang maglaro. Kami kasi ni Mirai pisikalan kung maglaro, masubsob na kung masusubsob.

And then it just happened.

Nag-service si Draven at pagkareceive ko ay saktong lumanding ito sa mukha ni Joyce at bumanda naman pabalik sa may dibdib ko. Pero hindi katulad ni Joyce na napahiga sa may buhanginan, napaupo lang ako habang hinihilot ang nasaktang dibdib. Lahat sila ay natatarantang dinaluhan agad si Joyce kabilang si King. Oo. Si King. Dapat wala lang naman sakin to diba? Wala akong pakialam sa iniisip ni King. Wala akong pakialam sa nararamdaman ni King. Wala akong pakialam kung si Joyce ang pinuntahan ni King at hindi ako. Wala naman talaga dapat akong pakialam hindi ba? Pinilit kong lumunok pero may naramdaman akong nakabara sa lalamunan ko. Punyetang bola!

Naramdaman ko namang may umaalalay sa akin patayo. Ang nag-aalalang mukha ni Mirai ang nabungaran ko. Nilingon ko uli silang lahat. Sobrang nag-aalala sila kay Joyce samantalang sa’kin tanging si Mirai lang ang natira. Nasaktan din naman ako ah?

“Ok ka lang?” tanong sa akin ni Mirai.

“Ok lang ako.” Mahina kong sagot sa kanya.

“Are you sure? Tara sa bahay baka may sugat ka, gamutin muna nat—

Hindi ko na sya pinatapos at dali daling tinahak ang daan papunta sa nakaupo nang si Joyce ngayon, nakita ko ang dugong tumulo sa mula sa ilong nya na pinunasan naman agad ni King ng damit nya. Pucha.

“Joyce.” Matigas kong tawag sa kanya.

“Pasensya na. Hindi ko sinasadya. Pero nasaktan din naman ako.” Tumalikod na ko matapos kong sabihin yon. Napakagat ako sa labi ko nang maramdaman ko nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. No.

Mabilis na kong naglakad palayo sa kanila. Kailangan kong makalayo. Kailangan kong mapag-isa.

“RED!!!” narinig ko pang sigaw ni King pero umakto akong parang hindi ko sya narinig.

Sumigaw naman syang muli at nang akala ko ay susundan na nya ko sa wakas, tinawag naman sya ni Joyce ng hinang hina at nagpapahatid sa bahay nila Mirai. Napangisi na lang naman ako habang umiiling. Naramdaman ko na rin ang mga maiinit na likidong tumakas mula sa mga mata ko.

Nang madaanan ko si Mirai ay nakatitig lang sya ng matiim sa akin pero hindi na nya ko pinag-aksayahan ng panahon para sundan. Tama lang yon. Ayokong makita ang kahit sino sa kanila.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon