Article LXXVI

1.9K 35 1
                                    

“Kanina ka pa tahimik ah. May problema ba?” tanong ni Mikel sa akin habang nagmamaneho.

Sinulyapan ko naman sya sandali saka na uli ako tumingin sa labas. Umuulan. Kapag talaga magde-December na pabigla bigla na lang ang pagbuhos ng ulan.

“Bumalik na si King..” sabi ko sakanya. Sandali syang tumahimik na parang nag-iisip.

“So, what is your plan?” tanong nya sa akin.

“Wala.” Mabilis kong sagot.

“Ok then. Wag ka ng mag-isip ha? Hindi ako sanay na tahimik ka. Maingay ka kasi e!” biro nya sa akin.

Napangiti na naman ako sakanya. Mikel is really different. Wala na kasi syang ginawa kung hindi ang patawanin at pangitiin ako. Hindi katulad ni King... Haaayy.. I should stop thinking of him. Matagal na rin naman akong tumigil diba?

Minsan ko pang nilingon ang seryosong si Mikel sa pagdadrive. Napangiti ako. Buti na lang talaga nandito si Mikel.

Huminto kami ni Mikel sa isang bar, Neon Light. Tiningnan ko nama sya.

“Anong gagawin natin dito?” tanong ko sakanya.

“May ipapakilala lang ako sayong ilang kaibigan.” Sagot nya sa akin.

“Let’s go?” saka na nya hinawakan yung kamay ko. Alam ni Mikel na ayaw ko sa mga bar. Parehas kami sa totoo lang. Alam namin na maloko din kami nung high school pero hindi lang talaga namin trip yung mga magugulo, mausok, at maingay na bars na to. Ok lang din naman na paminsan minsan pumunta kami sa mga ganitong lugar diba?

Nakarating din kami sa isang parang VIP na upuan kung saan may iilan ng taong nakaupo.

Pagkatapat pa lang namin sa kanila ay nagtinginan na silang lahat sa amin. Sa akin.

Bale lima silang nandoon. Tatlong lalake saka dalawang babae. Ipinakilala ako ni Mikel sa kanila and they’re nice I must say.

“Finally! Nakilala ka rin namin!” sabi nung lalaking may peklat sa may kanang kilay nya. Mukha syang bad boy sa mga palabas sa TV pero hindi yund bad boy na mukhang mabaho, sya yung bad boy in a good way.

“Oo nga. Akala ko pa naman wala na talagang balak itong si Mikel na ipakilala ka. Madamot kasi talaga to.” Saka tumawa yung isang lalaki na parang chubby version ni Enrique Gil.

Nginitian ko naman sila. Matagal tagal na rin kaming nag-uusap ng maramdaman kong kailangan kong mag-wash room.

“Excuse lang guys.” Paalam ko. Medyo naiilang na rin kasi ako dun sa isang babae na nakatitig na sa akin simula pa nung ipinakilala ako ni Mikel sa kanila. Parang may galit sya sa akin o ano. Hindi ko sya maintindihan.

Naghuhugas na ako ng kamay ng pumasok sa washroom yung babae kanina. Alam kong wala naman talaga syang balak mag-CR. By the way she looks at me alam kong ako lang ang pakay nya.

“Red Del Valle.” Panimula nya sa akin. Nginisihan nya ko.

Napakunot naman yung noo ko sa inaakto nya.

Nanatili naman akong nakatingin sa kanya. Ayoko makipag-usap sa mga ganitong klaseng tao.

Aalis na sana ako nung hinigit nya yung braso ko. Hindi ko inakalang ang isang babaeng sa tingin mo ay puro pag-paparty lang ang alam ay may angkin pa lang bigat ng kamay.

Pero hindi ako nagpakita ng anumang ekspresyon. “Ano bang gusto mo?” malamig kong tanong sa kanya.

“Matapang ka nga. Maganda yan.” Nakakaloko nyang sagot sa akin saka nya hinagis sa ere yung braso ko saka na umalis.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Where stories live. Discover now