Article LXVIII

1.8K 36 1
                                    

“Aaaand. How was that?” agaw atensyon ni Mirai ng umakyat sya sa stage at kinuha ang mikropono.

“Wala ba kayong mga kamay?” saka sya humalakhak.

Natawa na rin naman ang karamihan at nagsipagpalakpakan.

“Thank you. Thank you.” Saka pa sya yumuko sa harapan.

Habang patuloy ang pagsasalita ni Mirai sa harap ay hinila na ko ni Mikel papalapit kila King at Joyce na nakangiting nakikinig kay Mirai.

“Pare..” seryosong tawag ni Mikel kay King.

Lumingon naman sa amin si King na nakangiti. Parang ang saya nya ata ngayon?

“Bakit?” tanong nya.

“Kanina pa tapos yung sayaw at parang nakakalimot ka ata.” Naiinis na wika ni Mikel. Hindi ko alam kung naiinis sya dahil inagaw ni King yung date nya o naiinis sya dahil nagmumukha na kaming tangang dalawa.

Napawi naman ang ngiti sa labi ni King at tiningnan ang katabi nyang si Joyce na nakatingin lang sa amin.

“Ah.” Yun lang yung sinabi nya saka na nya ko muling hinila papunta sa tabi nya.

Para namang kinabog yung dibdib ko sa ginawa nya. Yun lang yon? What the?

Naglakad na kami pabalik sa table namin ng hindi nag-uusap. Napapailing na lang ako habang nakangisi. Hindi ok alam kung kakayanin ko pa rin. Hindi naman ako tanga para hindi marealize na ginagawa na lang nya kong tanga diba?

Papatapos na ang Annual Ball at nakatitig pa rin ako sa baso na nasa harapan ko. Nakaupo lang din si King sa tabi ko habang nakaharap sa cellphone nya.

Napabuntong hininga ba lang ako.

Nagulat pa ko ng biglang lumapit si Mikel sa table namin at niyaya akong sumayaw.

“Pwede ba kitang maisayaw babaeng pula? Bago man lang magtapos ang napakagandang gabi na ito?” nakangiti nyang aya sa akin.

Napakunot naman yung noo ko. Nilingon ko yung table nila at nakita kong nakaupo doon si Joyce habang hawak hawak nya yung cellphone nya.

“Yung date mo?” tanong ko sa kanya.

“Busy e.” napakamot naman sa ulo si Mikel.

Napatingin ako kay King para manghingi ng permiso. Minsan ko pang hiniling na hindi sya pumayag at sabihin nyang kami na lang ang magsasayaw.

“King.. sayaw muna kami ni Mikel..” paalam ko sa kanya.

Tumingin lang naman sya saglit sa amin saka na bumalik sa cellphone nya.

“Go ahead. Enjoy.”

That’s it. That’s it.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon