Article LXVII

2K 40 0
                                    

Kanina pa kami nakarating sa venue ng Annual Ball at naghihintay na lang kami ni King na tawagin ang pangalan namin. Kanina pa rin tinawag sila Draven at Mirai na naglakad magkasama. Nagtaka nga ako dahil wala silang dalang date ngayon samantalang sila itong talamak na playboy sa campus.

“Miss Red Del Valle together with her escort, a former student here and now the Supremo of the most powerful fraternity in town, Supremo Lucas King Chavez!” I felt proud for a while. Alam ko at nakita kong maraming napanganga nang malaman nilang nanditong muli si King. Inggit at pagkamangha ang nakikita ko sa bawat matang madaanan namin. Inggit dahil sino ba naman ang hindi maninibugho sa kagaya ni King? At pagkamangha dahil matapos ang mahigit isang taon ay nakita nila kaming muli ni King na magkasama. Maraming lumabas na bulung-bulungan nung mapansin nilang hindi na kami laging magkasama ni King. Maraming nagsabi na hiwalay na kami. May iba rin namang nagsasabi na nag-aral sya sa ibang bansa. Pero ang makita si King ngayon na kasama ko ay pagkumpirma lamang sa mga kinatatakutan nila. Magkasam pa rin kami. At sa pagkakataon na to, wala ng makapaghihiwalay pa sa amin.

Nakatayo pa rin kami ni King habang hinihintay naming matapos ang mga estudyanteng nakapila sa labas. At nanlaki na lamang ang mga mata ko ng makita ko ang huling pares na kasalukuyang nasa entrada ng hall na iyon.

“And for our last pair tonight.. please welcome! Mr. Mikel Tiongson together with his stunning muse tonight, Ms. Joyce Herrera!”

Mayabang naman na nagsimulang maglakad si Mikel at kada madaanan nya ay kinakawayan nya habang ngumingiti lang naman ang katabi nyang si Joyce.

Shit. Paano sila nagkakilala?

Nilingon ko naman si King na nakangiting nakatingin kay Joyce at nahuli ko rin si Joyce na nakangiting  nakatingin kay King. Nataranta naman akong bigla kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa braso ni King. Pero ni hindi man lang sya natinag at nanatiling nakatitig sa nakaupo na  ngayong si Joyce. Naiiyak na ko sa pinapakitang reaksyon ni King at hindi ko na rin maintindihan yung nararamdaman ko.

“King.. King..” tawag ko sakanya. Saka pa lang sya lumingon sa akin.

“Bakit ba?” naiiritang baling nya sa akin. Nabitawan ko naman ang pagkakahawak ko sa braso nya at nagsimulang mangilid ang luha ko.

Nagbago namang bigla ang ekspresyon ni King at hinawakan ang kamay ko.

“Sorry nabigla lang ako.”

Tinanguan ko na lang naman sya at hindi na ko nagsalita pa pagkatapos nun.

Nakita kong nakatingin sa amin si Mirai habang nakakunot ang noo nya. Nginitian ko naman sya at tinanguan. Gusto ko syang paniwalain na ok lang ang lahat. Ayoko ng magkagulo pa.

Pagkatapos ng dinner ay naghanda na kami para sa isang special number.

Tumayo na kami ni King dahil kabilang kami sa mga sasayaw sa gitna ng hall.

Nagsimula na rin naman ang tugtog at sinabayan na namin iyon ng kinabisadong sayaw.

(NOW PLAYING: CAN’T TAKE MY EYES OFF YOU BY GLORIA GAYNOR)

♪You're just too good to be true

Can't take my eyes off you

You'd be like heaven to touch

I wanna hold you so much♪

Nung simula ay nakatitig pa sa akin si King pero nung magsimula na kaming magpalitan ng partners at nawala na rin sya paningin ko ay parang unti unting nadudurog ang puso ko. Kinakain ng takot ang puso ko. Ni hindi ko na rin napansin na nakapareha ko na sila Mirai, Drave, at ngayon ay si Mikel.

I love you, baby, and if it's quite alright

I need you, baby, to warm a lonely night

I love you, baby, trust in me when I say

Oh, pretty baby, don't bring me down, I pray

Oh, pretty baby, now that I found you, stay

And let me love you, baby, let me love you♪

 

Nang sumapit ang pinakahuling chorus ng kanta ay nakita ko ng muli si King at para bang gusto ko na lang tumakbo ng makita kong si Joyce ang kapareha nya. Napapikit na lang ako dahil masakit para sa akin ang huling bahagi ng sayaw na to.

Nang muli kong imulat ang mata ko ay ang pagkadurog din ng puso ko. Magkayakap ng mahigpit si King at Joyce samantalang matagal ng tapos ang kanta at lahat ng tao sa Annual Ball ay nakatingin na sa kanila at sa akin sabay bulong sa katabi nila. This is toxic.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon