Article LXI

2.1K 34 0
                                    

“Alam mo Red, parang ewan yang fiancé mo. Ang OA!” sabi sa akin ni Mikel minsang magkasabay kaming naglalunch.

Nginisihan ko lang naman sya at pinagpatuloy ko yung pagkain ko ng strawberry cake ko.

“Isipin mo ha! Ngayon lang ba sya nakakita ng lalakeng nagluluto? O baka naman na-machohan sya sa akin. Naku. Sorry Red ha. Pero pakisabi na lang hindi ako pumapatol.” Tuloy tuloy na dakdak nya sa harapan ko.

Inihagis ko naman sa kanya yung tinidor na hawak ko. Tsaka ko sya tiningnan ng masama.

“Para kang gago dyan!” sigaw ko sa kanya.

“Easy lang. Pinapatawa ka lang e! Pasalamat ka nga sa akin, kung hindi dahil sa gagong ‘to hindi matatauhan yang fiancé mo na i-date ka!” wika nito saka pa sya bumunghalit ng tawa.

Inirapan ko na lang naman sya, hindi talaga ako mananalo sa kanya kahit kailan. Kaysa makipagtalo sa siraulo na ‘to, makadalaw na lang kay Kuya. I miss him. Ang tagal ko na syang hindi nakikita. Excited naman akong tumayo at naglakad habang parang aso na nakabuntot sa akin si Mikel.

Nung makarating na ko sa kotse ko ay hinarap ko sya saka ko sya nginisihan.

“Pupunta ako kay Kuya Blue. Sama ka?” tanong ko sa kanya.

Bigla namang nanlaki yung mga mata nya nung binanggit ko si Kuya. Gotcha!

“May gagawin pa nga pala ko! Sige. Ingat ha!” saka na sya tumalikod sa akin.

Ewan ko dyan. Simula nung highschool kame, takot na talaga sya kay Kuya. Wala naman sa kanyang ginagawa. Sira ulo talaga. Naiiling naman akong sumakay sa may kotse ko at masayang nagdrive papuntang Sapphire, yung resort/hotel/restaurant na pagmamay-ari ni Kuya.

Pagkatapos ng halos isang oras na byahe ay nakarating na rin ako sa Sapphire. Minsan pa kong napamangha ng lugar na ‘to. Ewan ko kung paanong ginagawa ni Kuya sa negosyo nya na to at tuwing nagpupunta ako dito ay laging may bagong nadadagdag, hindi pa kasali dyan yung mga tao na naglalabas-masok sa lugar na to.

Dumiretso naman ako dun sa VIP Parking Lot namin ni Kuya at pagkababang pagkababa ko pa lang ay sinalubong na agad ako ng valet na nakaduty ngayon doon.

“Welcome po Ma’am Red!” masiglang bati nito sa akin.

Tinanguan ko naman sya at nagtuloy tuloy na ako sa 8th floor ng hotel kung saan matatagpuan yung office ni Kuya.

Pagbukas pa lang ng elevator sa floor kung saan nandon ang office ni Kuya ay sinalubong na agad ako ng isang babae na nakangiti. Sino ‘to?

“Hi Red!” saka pa nya iwinagayway yung kamay nya sa akin.

Kinunutan ko naman sya ng noo. Hindi ko sya kilala.

“Archinelle here!” masigla pa rin nyang bati sa akin habang inextend nya yung kamay ya sa akin.

Inabot ko naman yon at nakipag-shake hands sa kanya.

“Bakit ka nandito? Nasaan si Kuya?” sunod sunod na tanong ko sakanya.

Ngumisi naman sya sa akin na nagpakita ng malalim nyang dimples sa pisngi nya. She’s charming I must say.

“Ikaw naman kakadating mo lang ang dami mo ng tanong. Anyways, bumaba lang sya sandali at may inasikasong mahalagang investors. Tara muna dito. Alam ko namang pagod ka e.” sabi nya sa akin atsaka na nya ko iginiya papunta sa mini-sala ni Kuya sa opisina nya. Lalo namang kumunot yung noo ko. What the hell?

“Are you my Kuya’s new secretary?” tanong ko sakanya.

Tumawa naman sya ng mahina bago ako sinagot.

“I’m a friend, Red.” Sabi nito sa akin saka na sya tumalikod para ikuha ako ng maiinom.

Napatingin naman ako sa may elevator ng bumukas iyon at makita kong pumasok si Kuya.

“Kuya!” sabik kong tawag sa kanya.

Nabigla naman sya ng tingin sa akin at mabilis na pumunta sa akin para yakapin ako.

“Bakit hindi ka tumawag na pupunta ka ngayon?” tuwang tuwang sabi sa akin ni Kuya.

“I want to surprise you!” masaya kong sagot habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

“How sweet.” Wika ni Archinelle habang hawak hawak yung tray ng juice na kinuha nya para sa akin.

(Trivia: Archinelle also appears in my stories Be My Pet and Marry Me or Marry Me?!, She’s my favorite character after all. You can check her on those stories that I’ve mention for you to know more about her. She’s really adorable. Haha.)

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon