Article XXXIV

2.1K 43 0
                                    

3 days before the incident

Ramdam ko na naman na parang nasa umpisa na naman ako. Malamig na silid. Nakabibinging katahimikan. Nakakatakot na katotohanan.

“Hindi mo kailangan masaktan ng totohanan Red. I mean, hindi ko kayang makita ka habang pinupukpok at sinusuntok ng kung sinuman.” Madiin na wika nya.

Napangisi ako.

“Hindi mo rin naman ako kailangang panuorin habang binubugbog nila ko. At ayokong may audience habang nagpapakamatay ako.” Nakakaloko kong sagot sa kanya.

“Red.” Madiin at nagbabanta nyang saway sa akin.

Itinaas ko naman ang dalawa kong palad para pahintuin sya kung anu pa ang mga sasabihin nya.

“Hindi tanga si King—

“Wala akong sinasabing ganyan.” Putol nya sa kin.

“Just this one Kuya. Para kahit papaano mabawasan yung nararamdaman kong guilt. Hindi naman ako mamatay. Hindi ka naman siguro maghahire ng tamang basag ulo lang ang alam?” tanong ko sakanya.

Napailing na lamang sya at tumalikod sa akin.

“Sa umpisa pa lang, alam kong hindi na magandang ideya ang pinasok mo.” Parang nagsisising wika nito.

Napangiti na lang ako ng walang lakas.

“Akala ko rin magiging madali lang ang lahat. Akala ko kapag ginusto ko, yun na yon. Hindi pala. Mali. Maling mali.” Napailing ako.

Dahan dahan naman akong tumayo at tumalikod na sa kanya.

“Kung ano mang mangyayari pagkatapos nito ang mahalaga, makukuha ko na rin sa wakas ang natatanging bagay na iniwan sa atin nila Mama.”

Bago ako tuluyang umalis ay narinig ko pa ang isang mabigat na pagbuntong hininga nya.

The end of my quest is near. And so my life.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon