Article XLVIII

2.1K 39 0
                                    

Pinagmasdan ko ng mabuti ang kabuuan ko sa salamin. Ok na ‘to saka ko na kinuha yung purse ko at bumaba ng unit ko. Naghihintay na sa akin si Mirai sa may lobby. Susunduin daw nya ko ngayon since alam nyang mahihirapan akong magdrive dahil nakadress ako. How considerate, right?

Paglabas ko pa lang ng elevator ay nakita ko na syang nakaupo sa may mga nakahilerang sofa sa may lobby. In his gray and black tuxedo, I bet all of the girls in the party will drool over his attention. But not me. Too bad.

Just in time na nasa harapan na nya ko saka pa lang sya nag-angat ng tingin. I saw something sparkled in his eyes. From there, I gained my confidence to face King tonight. I knew I look good.

Marami ng tao sa venue ng pagpupulong ngayong gabi nung dumating kami. Naninibago ako. Dati kapag may pagpupulong na ganito para kaming laging nasa isang suspense thriller na palabas sa sobrang nakakapangilabot ng paligid. Pero ngayong gabi? Ibang iba. Yung mga miyembro namin na parang hindi alam kung paano ngumiti ay nandito lahat at napakaliliwanag ng mga mukha.

Napakapamilyar ng pakiramdam. Ganito rin sila kasaya isang taon na ang nakararaan. Nung unang unang ipakilala si King bilang pinakabagong miyembro. At nakakatawa lang dahil ngayong gabi, ipapasa na sa kanya ang titulong pinanghawakan ng kanyang ama labing-anim na taon na ang nakalipas.

Nang makapasok na kami sa loob ay sinalubong kami agad ni Drave. Nag-high five sila ni Mirai habang hinalikan naman nya ako sa pisngi ko. Sabi ko sa inyo ok na kami e.

“You look gorgeous tonight. Pinaghandaan mo talaga ah?” tukso nya sa akin. Inirapan ko lang naman sya habang nakangisi.

Nakita ko na rin si Tita Helen at Tito Troy, pati ang Mommy at Daddy ni Drave at Mirai ay nandoon na rin. Matapos naming magbatian ay pinaupo nila kami sa table kasama sila habang hinihintay ang tamang oras ng pagdating ng kikilalaning pinakabagong Supremo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Excitement? Kaba? Takot? Pag nagkita na kami. Galit pa rin kaya sya sa akin?

And when the emcee started talking I knew that the long wait is over. He’s back. The King is back. And this time he will reign his kingdom. But will he still accept his Queen after all the charade games she played? Will King still accept me?

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon