PREAMBLE

15.5K 283 10
                                    

PREAMBLE

"Pangalan."

"Red."

"BUONG PANGALAN." Madiin nitong ulit.

"Red Del Valle." Isa namang walang pakialam na sagot.

"Edad." Pagpapatuloy nito.

"Disi-nueve anyos."

"Kurso."

"Abogasya."

Nagtanguan naman ang mga nakakatakot na nilalang na nasa loob ng malamig at nakakakilabot na silid na iyon.

"Bakit mo gustong sumali sa grupo?" Nakangisi nitong tanong.

"Hindi ko gustong sumali dito." Matigas nitong sagot.

Isang nakapanghihilakbot na mga halakhak ang sumunod nyang narinig matapos nyang sagutin ang katanungan na iyon. Napakunot ang kanyang mga noo.

"Hoy babae! Alam mo bang pinapasok mo? Kung hindi mo gustong sumali dito. E ano pa't nandito ka?" Nanunuyang tanong nito sa kaharap nitong blangko ang ekspresyon ng mukha.

"Dahil sa isang tao." Isang sulyap. Isang sulyap lang sa nagtatanong kanina pa. Pero para itong natuklaw ng ahas at pinagpawisan ng malamig.

"May tanong ka pa?"

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon