Article LXXVIII

1.9K 41 1
                                    

Madaling araw na ng makauwi ako sa unit ko dahil na rin sa ang dami naming pinag-usapan ni Mirai. Sabi nya na may bago raw kaming miyembro na hindi nya inakalang papasa sa fraternity sa sobrang hinhin. Kung ano raw ikinasuplada ko, siya namang ikinabait nung isa na yon. Nagpasalamat nga ako e. Grabe. I’m flattered.

Pagal ang katawan na ibinagsak ko ang buo kong katawan sa kama ko. Nagulat naman akong bigla ng may madaganan ako.

“Ay ! Kabayo!” gulat kong sigaw.

Inisang hakbang ko naman yung switch ng ilaw ng kwarto ko at laking gulat ko ng makita ko si King na nakasuit and tie pa na nakahiga sa may kama ko. Iinot inot naman syang bumangon habang halata ang pagod sa buo nyang mukha.

Para namang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko ng makita ko sya. What the hell is he doing inside my room?!!!

“ANAK NG TETENG! ANONG GINAGAWA MO SA KWARTO KO?!” galit na singhal ko sa kanya.

“Hey... hey... ganyan ka ba talaga manwelcome ng fiancé mo?” walang pakialam na tanong nya sa akin. Tinaasan ko naman sya ng kilay hanggang sa feeling ko kasing taas na ng hairline ko yung kilay ko. Fiancé in his dream!!

“Fiance. Huh. Wow. NEWSFLASH MR. CHAVEZ. 6 months ago may isang lalaki dyan na umalis ng walang paalam. At anong inaasahan nya pagbalik nya? Na may babalikan pa sya? Wow. Ang sarap po nyang iuntog sa katotohanan.” Sarkastiko kong sagot sa kanya. Nakakasora sya ha!

Nakita ko naman na biglang nagseryoso yung mukha nya. Umayos na rin sya ng upo sa may kama ko habang nakapamaywang akong nakaharap sa kanya.

“Bakit ngayon ka lang?” mahina nyang tanong sa akin.

Napairap naman ako sa kawalan.

“Last time I checked, hindi kita kaano ano para magtanong ka sa akin ng ganyan.” Irita kong sagot sa kanya.

Napufrustrate naman na inihilamos nya yung dalawa nyang kamay sa mukha nya.

“Red naman. Quit playing this game. Nakakapagod na.” sabi nya sa akin.

Nanlalaki naman ang mga matang tiningnan ko sya. Wow?!

Nasasamid naman akong humarap sa kanya. “Excuse me?!” konti na lang sasabog na talaga ako.

“You’re so childish.” Sabi nya. That’s it.

Dali dali akong pumunta sa cabinet ko at kinuha doon ang  mini telephone booth na lalagyan ng engagement ring na ibinigay nya sa akin.

“Yes, I’m fucking childish. Now here is your ring. Get out of my room. No. wait.... GET OUT OF MY LIFE!!!!!!” sigaw ko sakanya matapos kong ihagis sa kanya yung bigay nyang singsing.

Natulala naman sya sa akin saglit. Saka nya ko tinangkang lapitan pero nagmamadali akong tumakbong banya at nag-lock doon. Now this is childish.

Napasalampak na lang ako sa may tiles ng banyo ko habang nakatulala.

Narinig ko pa ang ilang pagkatok at pagtawag nya sa pangalan ko pero tinakpan ko lang ang tenga ko. Makalipas ang dalawang oras ay lumabas na rin ako sa banyo at laking gulat ko ng nakaupo pa rin sya sa may kama ko.

“Can we talk now?” kalmado nyang tanong sa akin.

“Ayoko na talaga King. I’ve had enough. Hindi mo pa ba maintindihan? I’m giving up on you.” Marahas na wika ko sakanya.

Nakita ko naman ang pagrehitro ng sakit sa mga mata nya saka nya ko nginisihan.

“Yeah. So this is what I get. Akala mo ba gusto ko lahat ng ginagawa ko? Ha?!” galit na tanong nya sa akin. Pumiyok pa sya at nakita ko ang butil ng mga luhang nag-uunahan sa paglabas mula sa mga mata nya.

Nanatili naman akong tahimik at nakatingin sa kabilang gilid ng kwarto ko.

“Pinagseselos lang kita! Tangina! Akala ko matalino ka?!” patuloy nya.

Napakagat ako hg labi ko. Hindi ko na alam.

“Ayaw mo na ba talaga?” nanghihina nyang tanong sa akin.

Hindi naman ako sumagot. Matapos ang ilang mabibigat na paghinga ay tumalikod na rin sya sa akin.

“It has always been you. And it will always be you, Red." 

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon