Article L

2.1K 42 3
                                    

Kanina pa ko nakatitig sa nakangiting mukha ni King. Hindi ako makapaniwala na hindi na sya galit sa akin. Pero hindi na nga kaya? Sa mga pinapakita nya sakin ngayon parang hindi ako yung naging dahilan ng pag-alis nya isang taon na ang nakalilipas.

Nilingon naman ako ni King saka nya ko nginisihan.

“Miss me?” tanong nya sa akin.

Napaiwas lang naman ako ng tingin sa kanya at ininom ang hawak kong alak. Ilang sandali pa ay tumayo na sya at hinila ang isa kong kamay.

“T-Teka. San tayo pupunta?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Sa labas. Papahangin.” Sagot nya sakin at tuluyan na kong hinila palabas ng bulwagan na iyon.

Sumakay kami sa bagong bago nyang Mustang GT. Naalala ko pa yung dati nyang kotse. Iyon ang saksi kung paano kami nagsimula. Hindi ko na tuloy napigilang magtanong.

“Nasan na yung Lexus mo?” tanong ko habang iniinspeksyon ang loob ng bago nyang kotse.

“Ah. Yun ba? Wala na yun. Pinabenta ko na.” wika nya.

“Bakit naman?” kunot noong tanong ko sa kanya.

“Bakit ba ang dami mong tanong?” naiirita nyang tanong sakin.

Natigilan naman ako sa naging reaksyon nya. Galit na sya non?

“N-Nagtatanong lang naman.” Mahina kong sagot sa kanya.

“Tsk.” Pumalatak lang naman sya saka na pinaharurot patungo kung saan ang kotse nya.

Pagkatapos ng halos tatlumpung minutong pagmamaneho ay huminto kami sa isang bar na alam kong puno ng mga kabataang nagwawala.

“Anong gagawin natin dito?” natitigilan kong tanong sa kanya.

“Akala ko namiss mo ko? We’re going to catch up. Isang taon din akong nawala di’ba?” tanong naman nya sa akin.

Hindi naman ako nakakibo. Oo nga’t namiss ko sya pero pwede naman kaming magkwentuhan sa ibang lugar. Bakit kailangan pa sa bar? Hindi ba sya nagba-bar sa pinuntahan nya. And speaking of pinuntahan, tatanungin ko pa nga pala sya kung saan nya nagpunta nung nawala sya.

Pagpasok namin ay hindi nga ako nagkamali, puno nga ito ng mga kabataang nagwawala. Naninigarilyo. Umiinom. At ayaw ko ng sabihin yung iba pa nilang ginagawa.

“Akala ko ba mag-uusap tayo?” tanong ko kay King habang sumisiksik kami sa mga nagsasayawan sa dance floor.

“ANO?” sigaw nya sakin. Sa sobrang lakas ng tugtog ay malamang nga na hindi kami magkakarinigan.

“ANG SABI KO AKALA KO MAG-UUSAP TAYO?” pabalik na sigaw ko naman sa kanya.

Tumaas naman ang isang sulok  ng labi nya bago ako sinagot.

“MAG-UUSAP NGA TAYO. WAG KANG ATAT.” Saka pa sya humalakhak.

Nang papasok na kami sa isang VIP room doon ay may humarang na lang samin biglang isang babae.

“Hey! Hey! Hey! Look who’s back?” nakangisi nitong bati kay King.

“Ella!” balik bati naman ni King dun sa mukhang butiking babae. Psh.

Magsasalita pa lang ako nang bitawan ni King yung kamay ko at ipulupot ito sa bewang ng humarang sa aming babae at walang pakundangan nya itong hinalikan sa harapan ko.

Sukat noon ay nanlaki ang mga mata ko. What the hell is the meaning of this?

“KING!” hindi ko napigilang sigaw sa kanya.

Bumitaw naman sya dun sa haliparot na babae at hinarap ako.

“Why?” inosenteng tanong nya sa akin.

“Why? Really? Hah?!” unti unti ko ng nararamdaman ang pag-angat ng lahat ng dugo papunta sa ulo ko. Tangna. Nakipaghalikan sya sa harap ko tapos why? Wow!

“Oh! Don’t be so dramatic. This is just a normal greeting. Nagseselos ka na ba?” saka pa sya humalakhak na parang iniinsulto nya ako.

Nginisihan ko rin naman sya.

“No.” saka ko na sya hinila sa braso nya palayo dun sa mukhang hito na yun bago pa ko matuwa sa kanya at isampal ko sa kanya yung heels na suot suot ko ngayon.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon