Article III

7.4K 133 1
                                    

“Maligayang pagbati! Malugod kang inaanyayahan ng organisasyon upang dumalo sa susunod na pagpupulong. Sa ngayon, ito ang handog namin sa’yo...”

 

 

*BOOOOOOOOOOOGGGSHHHHHH*

Isang nakabibinging ingay ng basag na salamin ang kanyang sunod na narinig. Ang mga sumunod na pangyayari ang mas nagpatiim ng kanyang bagang. Ang hiyawan ng  mga estudyanteng nakasaksi ng pagsabog, ang pagkataranta ng mga taong nakapalibot sa basag na salamin mula sa isang departamento sa unibersidad na iyon.

Matalas ang mga matang sinuyod nya ang paligid. Isang nakaitim na lalaki ang nag-angat ng kamay sa ere habang sa kanya ay nakangisi. Kinindatan pa muna sya nito bago tuluyang mawala sa dagat ng mga estudyanteng ngayon ay unti unti ng kumakalma. Nagdatingan na rin ang mga security ng eskwelahan na iyon at sinimulang selyuhan ang pinangyarihan ng pagsabog.

Muli syang napatingin sa itim na papel na kinasusulatan ng liham na iyon. Unti unti nya itong nilamukos at itinapon sa pinakamalapit na basurahan sa kanyang kinalalagyan.

Tumalikod na sya mula sa kanyang locker at nagsimulang maglakad papunta sa susunod nyang klase na parang walang nangyari.

“Sabihin mo sa Supremo nyo, nagustuhan ko ang pagbati nya. Pero sana’y di na lang sya nag-abala pa.” usal nya sa lalaking alam nyang kanina pa sya pinagmamasdan.

Napangisi naman ito at sumaludo sa kanya bago tuluyang parang kidlat na nawala sa kanyang harapan.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon