Article LXXI

1.9K 36 0
                                    

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong mahimbing na natutulog si King sa kama ko. Nilapitan ko sya at nakita kong wala na syang pang-itaas at naka-boxer shorts na lang sya. Napalunok naman akong bigla at parang gusto kong uminom ng malamig na tubig sa kitchen ko.

Papaalis na sana ako ng bigla nya kong hilahin pabagsak sa tabi nya. Napasigaw naman ako sa gulat sa ginawa nya.

“AY ANAK NG TIPAKLONG! KING NAMAN! ANO BAAA!” reklamo ko sa ginawa nya.

Mas inisiksik naman nya yung ulo nya sa may balikat ko habang nakayakap sya sa likuran ko.

Naramdaman ko naman yung pag-amoy nya sa buhok ko na nagpatindig ng mga balahibo ko.

“P-Pupunta pa ko ng kitchen nauuhaw ako.” Walang lakas na wika ko.

“Sorry.” Mahina nyang usal.

Napatigil naman ako sa sinabi nya. Bakit sya nagso-sorry?

“I’ve been a jerk these past few days, I know. And I am really sorry Bave. Stressed out lang ako sa opisina dahil sa dami ng trabaho.” Paliwanag nya.

Nilingon ko naman sya at kitang kita ko nga ang pagod sa mga mata nya. Para namang nalusaw yung puso ko ng makita ang kalagayan nya.

Nanatili naman akong nakatitig sa kanya. Gusto kong tanungin yung tungkol kay Joyce pero natatakot ako.

Imbes na tanungin sya ay nginitian ko na lang sya at hinila pababa ng kama ko.

“San tayo pupunta?” nagtataka nyang tanong sa akin.

“Kakain.” Simpleng sagot ko naman sa kanya.

“Huh?!” nagtataka nyang lingon sa akin.

“Nagugutom pala ako. Hindi ako nakakain ng maayos kanina sa party e.” sabi ko sakanya.

Sukat noon ay mabilis pa sa kidlat na bumangon sya sa kama ko at inakbayan ako.

“Ipagluluto kita!” mayabang na sabi nya sakin.

“Marunong ka na?” natutuwa kong tanong sa kanya.

“May cup noodles ka ba dyan?” nahihiyang tanong nya sa akin.

Natawa naman ako sa reaksyon nya saka ko sya niyakap ng mahigpit.

“I miss you. I love you.” Sabi ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap nya sa akin.

Kumakain na kami sa may sala ng condo ko habang nanunuod ng biglang tumunog yung telepono ko.

Tumingin naman ako kay King na tutok na tutok sa pinapanuod namin.

Tinatamad ko namang sinagot yung tawag para lang mabungaran ang lasing na boses ni Mikel.

“Red? *hik* Ikaw na buh *hik* yaaan?!” napamura naman ako. Problema nito?

“Mikel?! Ano bang nangyayari?!” tanong ko sakanya.

Hindi naman sya sumagot imbes ay narinig ko ang mahinang paghikbi nito.

“Mikel?! MIKEL!! Shit! Ano ba! Umayos ka nga!” sumisigaw na ko sa telepono kaya naman napatingin nasa akin si King.

“Wala na si Mommy Red! Wala na si Mommy!” parang natauhang sabi nya sa akin.

Napatindig naman ako sa sinabi nya.

“W-Wait up! B-Bakit?! P-Paanong?” hindi ko na matapos yung sasabihin ko sa kanya dahil sa pagkagulat.

“Ambush Red. Kanina habang papauwi sila ni Dad galing opisina. Kritikal pa si Daddy pero wala na si Mommy! RED! ANONG GAGAWIN KO?!” saka ko sya uli narining humagulgol ng iyak.

“P-Pupunta ako dyan. Wait for me... Hintayin mo ko Mikel. Naiintindihan mo?! Hintayin mo ko.” Matigas na utos ko sakanya.

Although minsan ko pa lang nakita yung Mommy nya alam kong mahal na mahal ito ni Mikel base na rin sa mga kwento nya sa akin tungkol dito. Natatakot ako sa maaaring gawin ni Mikel. Natatakot ako dahil ni hindi ko pa syang nakitang nagalit kahit minsan at alam kong kahit sino pa ang gumawa nito sa pamilya nya ay walang dudang maghihiganti sya.

Tiningnan ko naman si King sa tabi ko ng ibaba na ni Mikel yung telepono.

“Kailangan ako ni Mikel ngayon.”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon