Article XLIII

2K 45 2
                                    

Tinitigan ko sya habang bumababa sya sa entablado. Ibinalik ko ang pagkakangisi ko at kumuha ako ng isang kopitang alak mula sa nagdaang waiter. Lahat ng madaanan nya ay binabati sya. Napakasasaya nila dahil sa wakas! Ang Frat Master nila ay nasa harapan na nila. Buong buo. Walang labis, walang kulang.

Alam kong lalapitan nya ko. Sa bahay pa lang ay inihanda ko na nag sarili ko. Hindi ako natatakot.

Walang kurap ko syang inabangan habang papalapit sya sa akin at nang sa wakas ay nasa harapan ko na sya. Mas nilakihan ko pa ang pagkakangisi ko sa kanya saka ko sya hinalikan sa kanyang mga pisngi.

“Congratulations.” Masigla kong bati sa kanya. Alam kong yung ibang nakakakilala sa akin ay nanunuod na sa aming dalawa ngayon ni King. I’m still her girlfriend after all.

Nagtagis naman ang bagang nya at mas dumilim ang kanyang mukha.

“You’re too happy that your actions were already obviously fake.” Matalas nyang sabi sa akin. Saka pa nya ko pinakatitigan pang muli.

Tumaas naman ang kabilang nguso ko sa sinabi nya.

Itinaas ko ang isang kilay ko sakanya. “Really?! Mukha ngang naiinis ka at nandito ako, di bale, hindi na rin naman ako magtatagal.” Sabi ko saka ko na inisang lagok yung hawak kong alak at akma na kong tatalikod sa kanya ng hinablot nya ang braso ko.

Napapikit ako sa sakit naramdaman ko mula sa pagkakahawak nya sa braso ko pero nginisihan ko lang sya.

“Namiss mo ko agad?” patuya kong sabi sakanya.

“Mag-usap tayo.” Kung kanina ay nagagawa ko pang ngumiti ngayon ay hindi na. nagbabaga na ang mga mata nya sa galit na kung pwede nga lang nya kong durugin ngayon din ay baka ginawa na nya.

Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak nya dahil sa paggapang ng takot sa sistema ko.

“Bitawan mo ko.” Matigas kong sabi sa kanya.

“Nope. Not until you explain everything. EVERYTHING.” Madiin nyang pagkakasabi sa akin.

Dinala nya ko sa parang study room sa malaking bahay na yon. Pagkasarang pagkasara pa lang ng pintuan ay itinulak na nya ako doon at ikinulong gamit ang dalawa nyang mga braso.

“Now, tell me. Anong kagaguhan to?!” sigaw nya sa akin. Napapikit naman ako ng madiin at iniiwas ko ang mukha ko sa kanya.

“MAGSALITA KA! PUNYETA!”

“Bitawan mo muna ko.” Malamig na wika ko. Sukat noon ay dahan dahan nya kong binitawan at parang nanghihinang lumuhod sya sa harapan ko.

Inilihis ko ang pagkakatingin ko sakanya. Hindi ko kayang tingnan ang kaawa awa nyang sitwasyon.

“Akala ko sinabi na ni Joyce sa’yo?” wika ko.

“Sinabi nga nya! Pero hindi ako naniniwalang kaya mong gawin yon!” halas nanlulumo nyang wika.

“Guess what? I just made it.” Walang pusong sagot ko sakanya.

Nanlaki naman ang mga mata nyang nakatingin sa akin habang umiiling.

“N-No...” sinubukan nyang abutin yung mga kamay ko pero iniiwas ko ito. Inilihis ko na rin naman sa kanya yung mata ko dahil hindi ko kayang makitang nagkakaganyan sya nang dahil sa akin.

“R-Red.. no..”  wika nya sabay yakap mula sa likuran ko.

Pinilit ko namang tinanggal yung mga kamay nyang nakakapit sa bewang ko.

“Tama na King. Ginamit lang kita para makuha yung matagal ko ng hinahanap. Ngayong nakuha ko na yon. Pwede mo ng kalimutan na nakilala mo ko.” Sabi ko sa kanya.

“Ganun na lang ba yon?” malungkot na tanong nya sa akin.

“Oo King. Ganon na lang yon.” Saka ko na sya iniwang mag-isa sa kwarto na yun.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon