Article LIII

2.2K 49 0
                                    

“May pasok ka ba ngayon?” tanong sa akin ni King habang sumusubo ng iniluto kong bacon.

“Wala pero may kukuhanin ako sa Library.” Sagot ko naman sa kanya. Buti na lang talaga at nagmagandang loob na syang ibili ako ng damit sa boutique dito sa ibaba ng condo nya kung hindi wala akong magiging choice kundi isuot ang gown na suot ko kagabi pagpuntang eskwelahan.

“Samahan na kita tapos may pupuntahan din tayo kapag nakuha mo na yung kailangan mo.” Wika nya. Tumango na lang naman ako sakanya. Masyadong maganda yung umaga para sirain ko. Kahit kating kati na kong itanong kung anong nangyari sa kanya nung nawala sya alam ko namang may iba pang pagkakataon para pag-usapan yung bagay na yon.

Gaya ng sabi nya, sinamahan nya nga ako papuntang school. Ang daming nagulat nung makitang magkasama kaming dalawa, MAGKAHAWAK KAMAY PA! Akala siguro nila wala na kaming dalawa nung nalaman nilang umalis ng bansa si King. Napaismid naman ako, neknek nyo! Ang dami pa ring nakakakilala sa kanya at halos kalahating oras na kaming naglalakad papuntang Library. Putek. Hahapunin kami nito baka hindi ko pa maabutan yung librarian dun.

“Bave, una na ko sa Library. San kita pupuntahan?” tanong ko na lang sa kanya.

“Ah, sige. Sa cafeteria na lang.” at bago pa ko makaiwas ay nahalikan na nya ko ng mabilis sa labi ko. Napakagat labi na lang ako ng makarinig ako ng mga pagsinghap sa paligid namin.

“Ah, ok. Bye.” Saka na ko mabilis tumalikod sa kanya. I swear, daig ko pang kamatis ngayon. Salamat King. Salamat talaga.

Medyo  nagtagal ako sa pagkuha nung module ko sa librarian dahil nawawala yung isang libro na kasama nung module ko. Naghintay pa ko ng halos isang oras para lang dun sa libro na yun! Nginisihan ko na lang naman yung librarian nung malaman kong naipahiram nya pala. Buti na lang talaga at isinauli ngayon kung hindi kawawa naman talaga ako. Matapos magpasalamat habang nakangiwi ay dali dali na akong nagpuntang cafeteria. Hindi ko nga alam kung hinintay pa ko ni King. Wala pa nga pala akong number nya dahil kakabalik lang nya kahapon.

Sa malayo pa lang ay kitang kita ko na kung paano kandungin ni King yung babaeng maputi at may mahabang unat na unat na buhok. Para bang biglang nagdilim yung paningin ko sa nakita ko. Parang hindi naman pala sya nainip nung umalis ako.

“Excuse me?” sabi ko nung nakalapit ako sakanya.

Para namang nagulat yung babae sa akin samantalang nakangisi lang si King habang hinahaplos nya yung ibabang labi nya. Halos napatalon pa nga yung hampaslupa nung makita nya ko. Dapat lang at kapag hindi pa sya umalis sa harapan ko e baka kalbuhin ko na sya. Nakuha naman nya siguro yung ibig sabihin ng tingin ko sa kanya kaya pinagpapawisang nagpaalam na sya kay King.

“Just a simple greeting, right? Umuwi na tayo.” Inunahan ko na sya sa sasabihin nya. Napupuno na talaga ako sa mga pinaggagawa nya. Kahapon lang sya dumating at parang ipinamumukha na nya sa akin na wala akong karapatan magselos. Sige. Ibibigay ko yung gusto nya. Mabilis naman ang ginawa kong lakad para hindi kami magkasabay sa paglalakad dahil kumukulo pa rin dugo ko sakanya hanggang sa mga oras na ito.

“Are you mad?” tanong sa akin ni King habang nagdadrive sya.

“Hindi.” Malamig na sagot ko sa kanya habang nakatingin ako sa labas ng kotse nya.

“Yeah, right.” Sarkastikong wika nito sa akin.

“Look. Wala lang yon.” Paliwanag nya sa akin.

“Wala naman pala e. De ok.” Naaasar na sagot ko.

“Red, ano ba.” Seryosong banta nya sa akin.

Napapikit ako ng mariin. Walang magandang pupuntahan yung usapan na to at alam ko yon.

“Itigil mo yung kotse.” Utos ko sakanya.

“Bakit ba?” medyo naiiritang tanong nya sa akin.

“Hindi magandang magkasama tayo ngayon. Magkakasakitan lang tayo sa mga sasabihin at gagawin natin.” Sagot ko sa kanya habang pinipigilan ang pagpiyok ko.

Naramdaman ko naman ang paghugot ni King ng malalim na paghinga.

“Ititigil mo yung kotse o tatalon ako?” matapang kong tanong sa kanya.

“Fuck.” Saka nya madiing tinapakan yung brake ng kotse nya. Dali dali naman akong naglakad palabas habang pinipigilan pa rin ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko.

Ang hirap naman Lord e! Ano ba kasing nakain ni King?

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon