Article VII

4.2K 81 0
                                    

Dali dali akong sumakay sa kulay itim kong Mazda at sinundan ang kakaalis lang ng bar na yon na si King Chavez. Napatiim ako ng titig sa likuran ng sasakyan nya habang tumatakbo ito sa kulang kulang isandaan kilometro bawat oras. Tinapakan ko pang lalo ang gas ko para mas maging malapit ang agwat ko sa kanya. Alas dose na ng madaling araw at hindi ko alam kung may pupuntahan pang ibang bar itong lalake na to o uuwi na. pero naisip ko rin na imposible yung naisip kong huli.

Nanatiling ganoon kailis ang pagtakbo nya hanggang sa napansin kong unti unting nauubos ang laman ng Lexus nya. Tama ba ang hinala kong hinatid na nya ang mga kaibigan nya? So, kung ganon, uuwi na nga sya? Tsk. I really hate guessing.

Nagdrive pa rin sya ng mga kalahating oras bago huminto sa isang ilang na daan. Mag-aalas-dos na rin ng madaling araw at halos wala ng dumadaan na mga sasakyan sa lugar na yon. Nagulat na lamang ako ng bumaba sya sa kanyang sasakyan at naglakad palapit sa kinaroroonan ko. Shit.

Huminto sya sa tapat ng salamin ko at hindi na nag-abala pang kumatok dito. Alam nyang sinusundan ko sya kanina pa. Well, I guess, we’re not going to have that oh-so-romantic-introduction.

Dahan dahan kong ibinaba ang salamin ng kotse ko pero hindi ko na sya nilingon pa.

“Ahh. So, may stalker na ko ngayon?” antipatikong sambit nito ng makita ako.

Unti unti ko syang nilingon at nginisihan.

“Happy?”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon